Delivery rider na sa gilid ng kalsada kumakain, umantig sa puso ng mga netizens!





Mas maraming mga Pilipino ang tumangkilik sa mga online services buhat nang maranasan natin ang pandemya. Mas marami sa atin ang gumagamit ng online services sa pagbabayad ng mga bills, pagbili ng mga pangangailagan sa bahay at maging pagpapadeliver ng mga pagkain.



Maraming mga naging magandang epekto ang pagiging tagumpay ng ganitong klase ng industriya ngunit mayroon din namang iilan na talagang nakaranas ng hindi magandang pangyayari dahil din sa pagiging popular ng mga online services na ito. Madalas kasi ay makakita tayo ng mga balita sa social media man o sa telebisyon patungkol sa ilang mga delivery riders na niloloko lamang pala ng ilan upang makapagpadeliver ng maraming mga pagkain dahilan upang malugi ang ilang mga delivery riders.

Gayundin naman ay mayroon ding ilang mga nagdedeliver ng package o parcel ang hindi kinukuhanan ng order ng mga taong nagpadeliver ng mga ito. Napakahirap at talagang hindi maiiwasan ang mga ganitong klase ng sitwasyon ngunit sana ay mas maging sensitibo at mapagmalasakit tayo sa kanila lalo na sa panahong ito.



Kamakailan lamang ay talagang umantig sa puso ng publiko ang larawan ng isang delivery rider na sa gilid na lamang ng kalsada kumain. Ayon sa naging komento ng ilang mga netizens, marahil ay hindi na nakayanan pa ng lalaki ang sobrang gutom at pagod kung kaya naman sa gilid na lamang ng kalsada siya kumain.



Hindi alintana ang lugar na kaniyang kinakainan, malaman lamang ang kaniyang kumakalam na sikmura. Ang naturang mga larawan ay ibinahagi ng isang concerned netizen na nakilala bilang si Joshua Flores Dispe.

Tunay nga na sa panahon ngayon ay napakaraming mga taong nawalan ng trabaho kung kaya naman mas pinapahalagahan ng marami sa atin ang pagkakaroon ng trabaho kahit gaano pa ito kalaki o kaliit. Basta’t nakakapaghanap-buhay at nakakapag-uwi ng pera sa pamilya ay talagang napakalaking bagay na.








Post a Comment

0 Comments