Ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang maranasan ng ilang mga lugar sa bansa ang hagupit ng sunod sunod na mga bagyong dumaan. Talaga namang mapaminsala ang mga bagyong ito at nag-iwan ng napakaraming mga pamilyang walang tahanan.
Hindi rin malilimutan ng maraming mga kabataan, matatanda, at ordinaryong mga residente ang nakakatakot na pangyayaring ito. Tunay nga na muli na namang nagparamdam ang kalikasan na kayang kaya nilang parusahan ang mga taong walang pakundangang sumisira sa kapaligiran.
Hindi rin naman natin maipagkakailang mayroon ding kasalanan ang mga tao kung bakit ganito na lamang ang epekto ng mga sakuna at kalamidad sa atin. Kung noon ay napakarami pang mga puno at halaman, ngayon ay talagang mapapansin na natin ang naging malaking pagbabago ng mga kalbong kagubatan at mga likas na yaman natin.
Dahil dito ay napagdesisyunan ng isang 65-anyos na lalaki ang magtanim ng mga bakawan sa Matalpm, Leyte upang hindi masira ng bagyo ang kaniyang tahanan na nasa tabing-dagat. Walong taon ding nagtanim ng “mangrove” o mga bakawan sa Punong Village si Gary Dabasol.
Ito ang naging solusyon niya upang hindi na manganib pa ang kanilang bahay sa tuwing sasapit ang mga hindi inaasahang kalamidad sa kanilang lugar. Ang ilan sa mga puno na kaniyang itinanim ay ang miyapi, pagatpat, at bakawan.
At ngayon nga ay tinatamasa na niya ang bunga ng kaniyang pinaghirapan at pinagpagalan. Sinong mag-aakala na posible rin pala itong mangyari lalo na sa kanilang lugar na malapit sa karagatan?
“I’m glad that I was able to inspire people. I hope that they will also follow what I am doing. I also want to contribute to higher marine production by cultivating a spooning area for fish, crabs, and shrimps and other species.” Pahayag ni Gary sa naging panayam sa kaniya ng “Philippine News Agency”.
Ang netizen na si Dan Niez mismo ang nagbahagi ng ilang mga larawan nito sa social media kung kaya naman agad itong napansin ng maraming mga netizens. Hindi niya kasi akalain na napakalaki na pala ng pagbabago ng lugar na ito nang huli siyang pumasyal dito.
Tunay ngang napakagandang ideya at inspirasyon nito para sa maraming mga Pilipino na hindi pa rin huli ang lahat upang magpakita tayo ng pagmamalasakit sa ating Inang Kalikasan.
0 Comments