Usong-uso na talaga ngayon ang mga taong walang magawa sa kanilang buhay at tila ba masayang masaya sa paggawa ng kasamaan sa ibang tao. Kamakailan lamang, isang estudyante sa Malaysia ang nagbahagi ng kaniyang ginawang “prank” sa Facenook page na UTAR confession page.
Para sa kaniya ay pagkakataon na niya ito upang makaganti sa kaniyang kaklase na ubod ng yabang at napakaarogante. Madalas daw kasing nagmamayabang ang kaklase niyang ito patungkol sa pagiging mayaman nila.
“He thinks he looks very cool because he drives a Honda City. He deliberately plays with his car keys during class and everybody around knows him as a rich boy. It’s so frustrating.” Pagbabahagi ng estudyante.
Madalas ding nagyayabang ang kaniyang kaklase patungkol sa restawran ng kaniyang ama na talaga namang patok na patok sa mga parokyano. Para sa kaniya ay ito na ang pinakamagandang paraan upang makapaghiganti siya sa kaniyang mayabang at aroganteng kaklase kahit pa nga wala naman talaga itong ginagawa sa kaniya.
“I bought a new SIM card and WhatsApp the stall to buy 100 packets of chicken rice. I said I was an assistant to the Yang Berhormat (YB) of one district and said that we wanted to distribute the chicken rice to the poor,” Pag-amin pa ng estudyante.
Agad naman niyang itinapon sa basurahan ang ginamit niyang sim card at kalaunan ay nalaman niyang nagpost sa social media ang kaniyang kaklase na mayroong nag-prank sa kaniyang ama at umorder ng napakaraming mga pagkain. Dahil nga sa hindi na ito makontak pa ay idinonate na lamang nila ang mga pagkain sa mga nangangailangan.
“They ended up distributing the food to orphanages and nursing homes. I helped you do charity. You are so boastful. I advise you to not be so arrogant in the future!” Dagdag pa ng estudyante na tila ba hindi nagsisisi sa kaniyang nagawang pagkakamali.
0 Comments