Job offer ng isang milyonaryo para sa magiging personal assistant niya ay tumataginting na Php2.4 milyong piso sa loob lamang ng isang taon!!





Mahirap makahanap ng trabaho ngayon lalo na kung ang hanap mo talaga ay iyong magkakaroon ka ng malaking kita o sweldo kung kaya naman talagang napakapalad na natin kung sa gitna ng pandemya ay mayroon pa rin tayong trabaho kahit papaano. Ngunit aakalain ba ninyong mayroong palang isang milyonaryong lalaki na naghahanap ng isang “personal assistant” na papaswelduhin lang naman niya ng tumataginting na Php2.4 milyong piso sa loob lamang ng isang taon!

Photo credit: Matthew Lepre / Instagram



Ang mayaman at gwapong milyonaryo na ito ay walang iba kundi si Matthew Lepre. Maliit na bagay lamang para sa kaniya ang halagang $50,000 o katumbas ng Php2.4 million na taunang sweldo para sa magiging “personal assistant”.

Photo credit: Matthew Lepre / Instagram



“Coolest job in the world” kung ilarawan ang trabahong ito dahil ang kailangan lamang ay handa kang maglibot sa buong mundo at personal na magtrabaho sa kaniya. Bayad lahat ng kaniyang kompanya ang gastos ng kanilang pagbiyahe.

Photo credit: Matthew Lepre / Instagram



Ayon sa ilang mga ulat, “college dropout” si Matthew noon dahil sa kaniyang utang na $30,000 o katumbas ng Php1.4 million. Ngunit talagang nagbago ang takbo ng kaniyang buhay matapos niyang ilunsad ang kauna-unahan niyang e-commerce business.

Talaga namang naging matagumpay ang negosyo niyang ito, kumita siya ng limpak limpak na siyang naging dahilan upang magdagdag pa siya ng tatlo pang mga negosyo. Sa ngayon ay malimit siyang bumibiyahe sa maraming mga bansa sa buong mundo tulad na lamang halimbawa sa Hawaii, Dubai at Japan.




Photo credit: Matthew Lepre / Instagram

Dahil na rin sa “nature” ng kaniyang trabaho ay kailangan niya talaga ng “personal assistant” sa tuwing magbibyahe siya. Ilan sa mga requirements na kaniyang inilahad ay dapat marunong mag-multi-task, marunong mag-ayos ng “travel itineraries”, mayroong kaalaman pagdating sa mga “social media channels”, metikuloso, mabilis ang pang-unawa at mayroong passport na valid pa ng 12 buwan. Maliban sa $50,000 (Php2.4 million) na sweldo sa loob ng isang taon ay mayroon pang “free travel and accommodation” at marami pang “perks” at “benefits”!





Post a Comment

0 Comments