Ang pagtaya sa “lotto” ay isa sa mga ginagawa ng maraming mga Pilipino upang kahit papaano ay magkaroon sila ng pag-asang guminhawa pa o umangat sa buhay. Sabi ng mga nakatatandaa, walang “overnight success” kung tutuusin dahil sa kinakailangan mong magsumikap at magtiyaga sa buhay upang makamit ang pinakamatagal mo nang pangarap.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang naging napakahirap na dinanas ng mag-asawang magsasaka na ito. Dahil sa perang kanilang napanalunan sa lotto ay nakita na nila ang tunay na ugali ng kanilang mga kamag-anak.
Ayon sa naging kwento ng mag-asawang Ernie at Vergie. Mahirap lamang ang kanilang pamilya at talagang mulat sila sa kahirapan kung kaya naman ang pagtaya sa lotto ang tila nagbigay sa kanila ng motibasyon at pag-asa na balang-araw ay magiging maayos rin ang lahat.
Pareho silang hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral kung kaya nais nilang makapagtapos talaga ang kanilang mga anak. Umaasa silang magkakaroon din sila ng maginhawang buhay sa hinaharap.
Sa tuwing tataya si Ernie sa lotto ay palagi siyang nagpapasama sa kanilang kamag-anak dahil sa hindi sila marunong magbasa at magsulat mag-asawa. Hindi nila akalain na ang napanaginipan palang mga numero ni Vergie ang siyang tatama sa lotto!
Sa kasamaang palad ay Php900,000 lamang ang kanilang natanggap dahil sa itinakbo ng kanilang kamag-anak ang kanilang pera. Mula noon ay hindi na nila nakausap pa o nakita pa ang kanilang mga kamag-anak.
Sa natitira nilang pera ay ninais sana nilang bumili ng sarili nilang bahay ngunit niloko na naman sila ng kanilang kamag-anak. Tumakas na kasi ang kaniyang mga kamag-anak dahil nais nilang solohin ang pera.
Hindi man naging karanasan ang buhay nilang ito ay umaasa silang kahit paano ay mayroong maglalambing sa akin na “try tara na” “play with you Lolo.” Hindi na napakinabangan pa ng mag-asawa ang pera at naging leksyon na ito sa kanila upang hindi na magtiwala pa ng buong puso sa mga taong tiyak na lolokohin din sila para sa kanilang mga personal na pangangailangan.
0 Comments