Matandang pulubi na natagpuang wala nang buhay sa lansangan, mayroon pa lang ipon na isang milyong dolyar!





Madalas tayong nakakakita ng mga pulubi sa daan. Marami sa atin ang nagbibigay ng kaunting tulong na pera sa kanila habang ang iba naman ay nagbibigay ng pagkain at iba pang bagay na kanilang mapapakinabangan.



Nakakalungkot isipin na mayroon pa ring mga tao ngayon na nagtitiyaga na lamang manirahan sa lansangan. Hindi nila alintana ang panganib na maaaring maidulot sa kanila ng pagtira nila sa kalye.

Ngunit kung inaakala nating lahat ng pulubi ay walang tahanan at walang pera, kabaligtaran yata ito ng naging buhay ng ginang na si Fatima Othman. Natagpuan kasi siyang wala nang malay sa gilid ng kalsada.



Talaga namang nakakalungkot ang sinapit ng matandang babae na ito. Ngunit laking gulat ng mga otoridad ang ipon at kayamanan ng nasawing matanda. Ayon sa kapulisan ay mayroong hawak na 5 milyong Lebanese pounds o katumbas ng $3,400!




Maliban pa sa perang ito ay mayroon din siyang nakadepositong $1 milyong dolyar sa kaniyang bank account at makikita ito mismo sa kaniyang bank account. Dagdag pa ng otoridad ay inakala lamang na pulubi si Fatima na nasawi na lamang bigla dahil sa atake sa puso.

Nang siyasatin pa ng mga pulis ang naging buhay ni Fatima, natuklasan nilang galing pala sa bayan ng Ain Al-Zahab sa Akkar, hilagang bahagi ng Lebanon ang lugar kung saan nakatira ang ginang. Natagpuan naman agad ng mga otoridad ang mga kamag-anak ni Fatima na siyang kumuha ng kaniyang labi.




Ayon naman sa naging pahayag ng kaniyang mga kamag-anak ay hindi rin nila akalaing mayroong ganitong kalaking pera ang matanda sa kaniyang bangko. Maraming mga netizens ang nanghinayang dahil sa hindi na mapapakinabangan pa ng matanda ang perang matagal na niyang iniipon.

Ngunit marami din naman ang nagsasabing tunay nga ang kasabihan na hinding-hindi mo madadala sa langit ang iyong kayamanan dito sa lupa kahit pa anong pilit mo.





Post a Comment

0 Comments