Mga binatilyo nagtrabaho sa isang “construction site” upang kumita ng pera at makaipon ng pangbili nila ng bisikleta sa darating na Pasko!





Dalawang binatilyo ang nagsusumikap na magtrabaho ngayon sa isang “construction site” dahil nais nilang makapag-ipon ng pambili nila ng bisikleta sa darating na Kapaskuhan! Ang dalawang binatilyong ito ay nakilala bilang sina Dexter Pandis, 16 na taong gulang at ang kaniyang pinsan na si Onyok, 12 taong gulang naman.



Noon pa man ay talagang pangarap na nilang magkaroon ng sarili nilang bisikleta at ito lamang ang tanging hiling nila sa pagsapit ng Pasko. Ayon sa kanilang dalawa ay ayos lang din sa kanilang maghiraman sa iisang bisikleta basta’t makabili lamang sila nito upang kanilang magamit.



Dahil sa talagang nais nilang matupad ang pangarap nilang ito, sila na mismo ang gumawa ng paraan para mapangyari ito. Hindi lamang kasi pagtatrabaho sa “construction site” ang ginagawa nilang trabaho dahil maging ang pagtatrabaho sa isang panaderya ay hindi rin nila inatrasan.



Kalaunan ay nakapag-ipon na sila ng halagang Php1,000 kung kaya naman agad na nag-post at nagtanong si Dexter sa isang online group ng mga siklista (cyclists) kung mayroong nagbebenta ng “secondhand” na bisikleta sa halagang isang libong piso. Maraming mga netizens ang labis na bumilib sa magpinsan na ito na talagang gumagawa ng paraan upang matupad nila ang kanilang mga pangarap kahit pa nga kailangan nilang pagpawisan at pagtrabahuhan ang lahat bago nila makuha ang kanilang gusto.


Isa sa mga netizens na kanilang napahanga ay si Manjit Reandi na siyang bumili ng dalawang bagong bisikleta na libre niyang ibinagay sa dalawang masipag na binatilyong ito. Masayang masaya ang magpinsan sa napakaagang pamasko na kanilang natanggap mula sa isang taong hindi naman nila kakilala ngunit nagmalasakit sa kanila na bigyan sila ng brand new na mga bisikleta!




Para kasi kay Manjit Reandi, sobra siyang bumilib sa mga batang ito na hindi nanghihingi o namamalimos sa ibang tao para lamang magkaroon sila. Bagkus ay pinaghihirapan nila ang bawat sentimong ipinangbibili dapat nila ng kanilang bisikleta.

Sinong mag-aakala na makakatanggap sila ng nakapakaganda at bagong mga bisikleta? Talaga namang nakakamangha hindi ba?





Post a Comment

0 Comments