Sabi ng marami, mahirap daw ang buhay kung kaya naman wala na silang iba pang magawa kundi umasa na lamang sa ibang tao pagdating sa kanilang mga pangangailangan lalo na sa kanilang pagkain sa araw-araw. Nakakalungkot lamang na mas maraming mga tao ang ganito mag-isip ngayon lalo na ng nagdaang mga buwan kung saan halos lahat tayo ay nakaranas ng sakripisyo at paghihirap dahil sa pandemya.
Ngunit kailan man ay hindi sumagi sa isipan ng ginang na ito ang ganitong paniniwala. Para kasi sa kaniya ay kailangan niyang gawin ang lahat, pasukin ang ano mang trabaho para sa kaniyang mahal na pamilya.
Mayroon kasing apat na mga anak si Mayette Corcuera kung kaya naman kailangan niyang magsumikap ng husto upang mayroon siyang maipakain sa kaniyang pamilya. Hindi madaling magtrabaho dahil sa dugo at pawis talaga ang kakailanganin mong ilaan para rito.
Ngunit hindi ito alintan ni Mayette, para kasi sa kaniya kailangan niyang subukan at gawin ang lahat alang-alang sa kaniyang mga anak. Nagsimula siya sa paglalako noon kung anu ano lamang ang itinitinda niya noon tulad na lamang ng isda, gulay at prutas.
Dahil sa hirap ng buhay ay talagang sumugal siyang mangutang sa isang Bombay (5-6) ng halagang Php2,000 na kapital para sa kaniyang negosyo. Maliban pa rito ay nagtitinda rin siya ng palamig sa tapat ng mga eskwelahan sa umaga at balut naman pagsapit ng gabi.
Hindi siya nahiya kailan man sa kaniyang ginagawang pagtitinda. Kahit pa nga sa mga “fiesta” at “graduation” ay talagang nagtitinda siya upang kumita kung kaya naman dahil sa pambihira niyang pagsusumikap sa buhay ay biniyayaan na siya ng Diyos ng pagpapalang babago sa kaniyang buhay.
Unti-unti na kasing lumaki ang kaniyang negosyo at ngayon ay mayroon na siyang kinikita na halos Php20,000 sa loob ng isang araw lamang. Napag-aral na rin niya sa kolehiyo ang kaniyang apat na mga anak.
Bukod pa rito ay hindi rin niya nakalimutang magbalik ng biyaya sa kaniyang kapwa, nagbibigay din kasi siya ng libreng mga pagkain at “face mask” sa mga taong nangangailangan buhat nang magkaroon ng pandemya.
0 Comments