Kamakailan lamang ay kinagiliwan sa social media ang post ng netizen na si Lito Raguindin. Nagbahagi siya ng larawan ng isang sikat na hair gel noong ‘90s. Marahil ay mayroon pa ring mga nakakaalala sa “Young’s Styling Gel” na talagang tinangkilik ng maraming mga Pilipino noon.
Hindi lamang mga kalalakihan ang talagang gumagamit nito kundi maging ilang mga kababaihan lalo na kung kinakailangan nilang mag-ayos ng kanilang mga buhok. Maraming mga netizens ang talagang nagkomento at nag-react sa post na ito dahil sa naging parte ito ng kanilang kabataan.
Ilang mga netizens ang nagpatunay na talagang ginamit nila ang mga ito noong kanilang kabataan. Mayroon itong kulay berde, dilaw at pink na maaari mong pagpilian.
May iba namang nagkomento na ito raw talaga ang dahilan kung bakit sila panot ngayon habang ang iba naman ay maninipis na ang mga buhok. Ayon kasi sa mga eksperto ay hindi ito mabuting gamitin madalas dahil sa maaari itong maging dahilan ng labis na pagkalagas ng buhok, pagkanipis at tuluyang pagkakalbo.
Ngunit sa kabila ng mga posibleng resulta ng labis na paggamit nito ay mas maraming mga netizens ang tila ba nagbalik sa kanilang mga kabataan. Ibinahagi ng ilan kung paano nila ginamit ang “styling gel” na ito sa tuwing mayroon silang “date” o liligawang babae.
Talaga namang iba ang nagiging dating ng mga kalalakihan noon sa tuwing gagamit sila ng ganitong uri ng pamahid sa buhok. Nakakalungkot lamang na ang ilan sa mga nakasanayan nating bagay noon ay hindi na madalas makita sa ngayon.
At kadalasan ay tuluyan nang nawawala at niluluma ng panahon. Marami na din kasi ngayong ibang produkto na mas tinatangkilik ng publiko.
Ang iba ay produkto mula sa ibang bansa habang ang iba naman ay talagang binibili dahil sa mga sikat at gwapo nitong mga endorsers. Ikaw, nakagamit ka na rin ba nito noon?
0 Comments