Tingkayad sa Maynila, Kadang sa Bacolod at Ilocos, Tayakad sa Quezon Province, Sungkayaw sa Bicol,





Ang Kadang-Kadang ay isa sa mga kilalang laro noon sa bansa. Maraming mga bata sa probinsiya ang talagang nakaranas na maglaro ng napakasayang laro na ito.

Ayon sa ilang mga ulat ay taong 1969 nang ipakilala ang laro na ito sa isang “local sports events”. Una itong nilaro sa Cebu hanggang sa nakilala na sa iba pang mga lugar sa bansa.



Kadang-“Kadang o karang” kung tawagin ito sa Bisaya habang “Tiyakad” naman ito sa Tagalog. “Bamboo Stilts game” kung tawagin ito sa Ingles.



Marami sa ating mga lolo at lola ang nagsasabing madalas nila itong laruin noon sa labas ng bahay lalo na kung tapos na sila sa mga gawaing-bahay na nakaatang sa kanila. Kadalasang mga kalalakihan lamang ang naglalaro nito ngunit dahil sa likas na makulit at mahilig sa mahihirap na mga bagay ang mga kabataa noon ay mayroon pa ring mga bata at kababaihang naglalaro nito.



Hindi payag ang mga magulang sa laro na ito dahil sa delikado ito kung kaya naman maraming mga magulang ang gumawa na lamang ng bao ng niyog para magamit ng kanilang mga bata at babaeng anak. Noon ay laro lamang ito ng maraming mga kabataan ngunit kalaunan ay isinama na rin ito sa “Laro ng Lahi”.


Balanse at konsentrasyon ang kinakailangan dito upang manalo. Talaga namang napakasayang balikan ng mga alaala natin ng larong ito kasama ang ating mga kababata.




Ibinahagi ng netizen na si Praxedes Mijares Genosa ang isang larawan ng mga batang naglalaro at tila nagkakarera gamit ang “kadang-kadang”. Maraming mga netizens ang talagang nagkomento at nag-react.

Ayon sa ilang mga netizens ang larong ito ay kilala rin sa kinalakihan nilang probinsiya. At sa tuwing naaalala nila ito ay tila nagbabalik ang kanilang kabataan.

Maaaring napakarami nang mga laro ngayon tulad ng mga computer games, mobile games at iba pang mga laro ngunit wala pa rin talagang papantay sa mga larong nakagisnan natin noong tayo ay mga bata pa.






Post a Comment

0 Comments