Unang libro ng ABAKADA kinagiliwan sa social media, mga alaala ng mga taong nakagamit nito noon nagbalik!





Ang mga magulang ang siyang unang naging guro ng kanilang mga anak. Hindi madali ang mga bagay na kailangang gawin at isakripisyo ng mga magulang ngunit masaya pa rin nila itong ginagawa para sa kanilang mga anak.



Kamakailan lamang ay ibinahagi ng netizen na si Tam Medina Dcruz ang isang larawan ng libro na marahil marami sa atin ang nakakaalala. Ito ang unang libro ng ABAKADA na naging pundasyon ng kaalaman at pagkatuto ng marami sa atin.

Simple lamang ito at isang manipis na libro ngunit talagang matuto kang magbasa lalo na kung mayroong katabing pamalo ang iyong ina o ama na nagtuturo sa iyo. Hindi na ngayon pinapayagan ang pamamalo at pagtuturo sa mga kabataan.




Ngunit noon ay talagang nagiging mas pursigido ang maraming mga batang matuto upang hindi magalit ang kanilang magulang na nagtuturo sa kanila. Dahil dito ay mas maraming mga bata ang talagang natuto at nagkaroon ng kaalamang makabasa.



Hindi rin naman naiwasan ng maraming mga netizens na ibahagi ang kanilang naging personal na karanasan sa librong ito. Maraming nagsasabing naranasan talaga nila ang kombinasyon ng pamalo at librong ito na talagang naging epektibo sa kanila.

Mayroon din namang iilan na nagsabing naging maganda rin naman ang resulta sa kanila nito kahit pa nga walang katabing pamalo o patpat ang kanilang ina o amang nagtuturo sa kanila. Tunay nga na hindi na pinapahintulutan ng batas ang pamamalo sa mga bata sa ngayon ngunit hindi rin naman natin maikakaila na naging maganda ang resulta nito para sa mga magulang na alam ang kanilang limitasyon patungkol sa pamamalo at pagtuturo at para sa mga anak na batid namang kapakanan lamang nila ang iniisip ng kanilang mga magulang sa tuwing mag-aaral o magbabasa sila ng unang libro ng ABAKADA na ito.





Ikaw, ano ang iyong karanasan sa munting libro na ito?





Post a Comment

0 Comments