Sa halip na magkaroon ng magarbong birthday celebration si Lolo Diego Valuz sa kanyang ika-101 na kaarawan ay mas pinili niyang magbigay at mamahagi ng tulong sa kapwa. Ayon kay Lolo Diego, ang biyaya na kanyang natatanggap ay gusto rin niyang ibahagi sa iba. Matagal na rin umanong nagbibigay ng tulong si Lolo Diego sa kanyang kapwa.
Sa Laguna naninirahan ang 101-anyos na si Lolo Diego. Ayon sa mga ulat, nagpabili umano si Lolo Diego ng 20 sakong bigas, mga tinapay at tsokolate para ipamahagi sa kanyang kapwa para sa kanyang kaarawan.
Kwento naman ni Wyeth Apejas, principal ng isang isang eskwelahan sa Laguna, na mismong si Lolo Diego umano ang nagpatayo ng eskwelahan na kung saan pinamamahalaan niya ngayon. Marami na rin ang nabigyan ni Lolo Diego ng scholarship at iba pang tulong sa paaralan.
Kahit pa may edad na si Lolo Diego ay bukas-palad pa rin siya sa pagtulong sa iba. Sa katunayan ay nagluluto pa ito ng kanilang almusal at gumagawa pa ng mga gawaing bahay.

Source: Noypi Ako
0 Comments