Anak ng Basurero, Proud sa Kanyang Ama Dahil Napagtapos Siya Nito sa Pag-aaral!



Lahat ay handang hamakin ng isang magulang para sa kanyang mga anak. Katulad na lamang ng isang ama na nagngangalang Juanito Gemida, 51-anyos. Si Tatay Juanito ay isang basurero na may dalawang anak. Ang pangangalakal ng basura ang tanging ikinabubuhay ni Tatay Juanito. Kaya naman, para maitaguyod sa pag-aaral ang kanyang mga anak ay todo-kayod siya sa pagtatrabaho.




"Flex ko lang tatay ko kahit basurero siya napagraduate niya ako," pagmamalaki ng anak ni Tatay Juanito na si Junnel Gemida.

Ipinagmalaki ni Junnel ang kanyang ama sa social media nang mapagtapos siya nito sa pag-aaral. Hindi naging madali ang buhay para kila Junnel ngunit dahil sa labis na kasipagan ng kanyang ama ay sa wakas, masusuklian na rin niya ang mga sakripisy0 ng kanyang ama.





Payo naman ni Tatay Juanito sa kanyang mga anak, mag-aral sila ng mabuti dahil ito lamang ang tangi niyang mapapamana sa kanila.


Sa ngayon ay pinag-aaral pa rin ni tatay Juanito ang bunsong kapatid ni Junnel. Konting tiis na lamang ay makakatapos na rin sa pag-aaral si Bunso at magkakaroon na sila ng trabaho. Masusuklian na rin ang lahat ng mga ginawa ng kanilang ama para sa kania.





Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments