3-Anyos na Batang Lalaki, Umorder ng Laruan sa Shopee na Umabot ng Php4,000!




May mga bagay tayo na hindi inaasahang mangyayari, mayroong maganda at mayroon ding hindi. Paano kung ang anak mo ay may ginawa na hindi mo inaasahan? Na magugulat ka na lang na mayroon siyang inorder sa online? Patok na patok ngayon ang online shopping lalo na sa mga taong ayaw lumabas para bumili ng mga bagay o pagkain.




Mayroong mga online apps na maaaring madownload sa mobile phones kung saan maaari kang umorder ng mga bagay o pagkain na gusto mo.

Nagbigay naman ang istorya na ito ng babala lalo na sa mga magulang na itabi o itago ang cellphone sa mga anak upang maiwasan ang ganitong pangyayari. Ang batang nasa larawan ay si nathan na 3-anyos na nakatira sa Bohol.

Ayon sa kuwento ng ina, nagpaalam umano ang kanyang anak na oorder siya sa shopee. "Mama Len order ko sa Shopee," ani ni Nathaan sa kanyang ina na hindi naman nito pinansin dahil abala siya sa pag-dedëcorate dahil nalalapit na ang pasko.





Makalipas lamang ang ilang araw ay laking gulat nila na may dumating na package at address nila ang nakalagay dito. Noong una ay inisip nila na baka mali ang address na nakalagay dahil wala silang naaalalang inorder sa Shopee.

Maya-maya pa ay may dumating pa na iang malaking kahon at umabot na sa humigit Php 4,000 ang halaga ng package. Dito na naisip ng pamilya na si Nathan ang umorder ng mga ito dahil ang laman ng mga package ay mga laruan.




Wala na ring nagawa ang pamilya ni Nathan at pinag-ambag-ambagan na lang ang Php 4,000 na halaga ng mga inorder ni Nathan. At isa pa, ay sweet at mabait naman si Nathan kaya tila naging maagang pamasko na ito sa kanya.

Bagaman naresulbahan ang pangyayaring ito ay nagbigay pa rin ng babala ang pamilya ni Nathan na bantayan ang mga bata lalo na sa mga pinipindot sa cellphone.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments