Napagdesisyunan ng Eco-Architect na si Richart Sowa na gumawa ng isang kapaki-pakinabang na bagay mula sa napakaraming mga plastic at basurang nagkalat ngayon sa buong mundo. Maliban sa mga giyera noon at labis na pagdami ng ating populasyon ay ninais niya talagang makapag-imbento ng isang bagay na alam niyang makakatulong sa ating kalikasan.
Para kasi sa kaniya, kung bibigyan lamang natin ng halaga at respeto ang lahat ng bagay ay tiyak na mababawasan ang ating mga problema at alalahanin sa buhay. Sa ngayon ay nagtagumpay na nga siyang gawin ang kaniyang artificial island na gawa sa higit 100,000 mga plastic na bote.
Matatagpuan ito sa Isla Mujeres Mexico. Pinangalanan niya itong “Joyxee Island” at talagang bibilib ka sa mga bagay na maaari mong makita dito. Maliban kasi sa mayroon itong mga buhay na puno at halaman ay mayroon din itong mga solar panels para sa ilang mga appliances dito tulad ng air conditioning unit, refrigerator at marami pang iba.
Noon pang 2008 nang manirahan siya sa islang ito ngunit taong 2005 pa lamang ay nagsimula na siyang lumikha ng iba pang isla. Ang kauna-unahan niyang isla ay ang “Spiral Island” na nasira ng bagyo.
Sa halip na panghinaan ng loob ay mas naging determinado pa siyang magtagumpay sa paglikha ng isang artificial island na gawa sa mga basura at mga kalat na maraming mga tao sa buong mundo. Batid niyang maaaring masira ulit ang kaniyang nagawang isla dahil sa “TsÃœnami”, “meteorite”, bagyo at iba pang mga dahilan ngunit batid niyang tatagal pa ito dahil hanggang sa mga panahong ito ay mas pinagtitibayan pa niya ito gamit ang iba pang mga basura at kalat na kaniyang napupulot.
Sinong mag-aakala na posible din palang gawing lababo, gripo at shower ang ilang mga kabibi? Maging ang kaniyang palikuran ay makakalikasan ding maituturing dahil sa dahon lamang ang gamit at hindi tubig bilang pambuhos, pagkatapos ay magagamit pa niya itong pataba sa lupa.
0 Comments