Larawan ng isang napakasipag na guro na pilit talagang tinatapos ang grado ng kaniyang mga estudyante kahit pa nga siya ay nasa ospital, umantig sa puso ng publiko!





Napakaraming mga bagay ang naranasan natin dahil sa pandemya. Marami sa atin ang nagsakripisyong hindi lumabas ng ating mga tahanan ng halos ilang buwan, mayroong mga kompanya at mga negosyong kinailangang magsara dahil sa pagka-bankrupt, maraming mga tao ang nagkasakit at tuluyang nasawi dahil lamang sa nakakahawang sakit na ito.



Dahil din sa pandemya ay kinailangan munang magbago ng istilo ng pagtuturo ang ating mga guro. Kung dati kasi ay sa loob lamang sila ang silid-aralan nagtuturo, sa ngayon ay online classes o di kaya naman ay modular learning ang pag-aaral ng mga kabataang Pilipino.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na hindi lahat ng guro ay mga bata at may sapat na kaalaman sa paggamit ng mga makabagong gadgets, internet at social media. Kung kaya naman kahit na mahirap ay talagang pinilit nilang makasabay upang makapagturo pa rin sila sa kabila ng pandemya.




Nakakalungkot lamang dahil hindi lahat ng mga estudyante nakikita ang pagsusumikap at pagpapagal ng kanilang mga guro. Madalas ay mas tinatamad pa nga silang pumasok sa klase kahit na “online class” lang din naman ang kanilang klase.




Ang mga proyekto at ibang mga gawain sa eskwelahan na kailangan nilang ipasa, madalas ay mabilisang gawa at hindi na nila gaanong pinagtutuunan ng pansin. Kahit pa nga ganito na ang sistema ng maraming mga kabataan sa ngayon, hindi pa rin sumusuko ang kanilang mga guro.



Sa katunayan nga ay kumalat kamakailan lamang ang pambihirang larawan ng isang matandang guro na ito na bagamat nasa banig ng karamdaman at nakaratay sa ospital ay pinipilit pa ring tapusin ang grado ng kaniyang mga estudyante.




Sa kasamaang-palad ay binawian din ng buhay ang napakasipag na guro nang sumunod na araw ayon sa naging pahayag ng kaniyang anak na si Sandra Venegas. Siya mismo ang nagbahagi ng larawan ng kaniyang ama sa kaniyang social media post.





Post a Comment

0 Comments