Isang Parol Maker, niloko ng kaniyang buyer na nagpagawa ng libu-libong parol na nagkakahalaga ng Php100,000 at hindi naman kinuha ang mga ito!





Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang lalaking ito na paggawa ng mga parol ang ikinabubuhay matapos siyang lokohin ng kaniyang buyer na nagpagawa sa kaniya ng libu-libong mga parol. Ang parol ang isa sa mga simbolo ng Kapaskuhan, kung kaya naman marami sa atin ang nagagalak sa tuwing makakita tayo ng mga makukulay na parol sa mga tahanan at maging sa lansangan.



Marami ding mga pamilya ang talagang nagnanais na magkaroon ng parol sa labas ng kanilang tahanan. Ngunit hindi lahat ay mayroong kakayanang maggayak at bumili ng mga Pamaskong dekorasyon na ito.

Marahil ito rin ang dahilan kung bakit marami sa atin ang nakukuntento na lamang sa mga dekorasyon na ating nakikita sa ibang mga bahay. Kung ang parol ay sumisimbolo ng Kapaskuhan at talagang nagdudulot ng kaligayahan sa marami sa atin.







Para naman sa Parol Maker na si Maximino Simon ay isa itong nakakatakot na panaginip. Mayroon kasi siyang buyer na nagpagawa sa kaniya ng napakaraming mga parol, libu-libo!



Ngunit hindi ito kinuha ng taong iyon sa hindi malamang kadahilanan. Lahat ng pagod at hirap ng matandang lalaki ay nabalewala na.





Ang mas ikinatatakot pa niya ay ang pera na ginamit niyang pambili ng mga materyales na ito ay ipinang-utang niya lamang. Emosyonal at talagang hindi na napigilan pa ni Mang Maximo na maiyak dahil sa kaniyang naging kalagayan ng mga panahong iyon.


Dagdag pa niya ay baon na naman daw siya sa utang. Talagang nakapanlulumo. Buti na lamang at kaagad na kumalat ang post ni Mang Maximo kung kaya naman mas marami ang tumulong sa kaniya at bumili ng kaniyang mga parol.

Labis namang nagpasalamat ang kaniyang pamilya sa mga taong tumulong sa kanila. Ayon pa sa anak ni Mang Maximo na si Arlene Simon ay dumagsa ang tulong sa kanila at ang mga taong nagnais bumili ng mga parol ng kaniyang ama kung kaya naman kaunti na lamang ang kanilang mga parol sa ngayon.

Source: Facebook






Post a Comment

0 Comments