Isa sa pinakamagandang kaugalian ng mga Pilipino ay ang pagiging tapat sa trabaho lalo na sa kapwa. Isang janitor na nagngangalang Jhun Telewik ang pinuri matapos na magsauli ng perang napulot na nasa $10,000 o may katumbas na Php500,000. Pinuri si Jhun ng Manila International Airport Authority nang isauli niya ang bag na naglalaman ng pera na natagpuan niya sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.
Pinuri ni MIAA General Manager Ed Monreal si Jhun dahil sa pagiging tapat nito sa kabilang ng kinahaharap na pand3mya.
"Sa kabila ng hirap na dala ng pand3mya, may mga taong nananatiling tapat. Saludo ako kay Mr. Telewik sa kanyang dakilang katapatan. Sigurado ako na mas marami pa rin ang equally dedicated na manggagawa sa ating kalagitnaan dito sa NAIA," ani ni Monreal.
Ang nagmamay-ari ng pera ay isa umanong Filipino-American na nagmula sa United States at papunta sa Dipolog City.
Kuwento ni Jhun, nangongolekta umano siya ng basura sa departure area ng NAIA Terminal 2 noong Nobeyembre 27, 11:30 ng umaga. Nakita niya ang bag sa isang upuan na noong una ay hindi niya pinansin at inisip na baka isa sa mga pasaherong gumagala ang nagmamay-ari ng bag.
Ngunit, napansin niyang naroon pa ang bag sa ikawalang round ng pangongolekta niya ng basura. Kinuha umano niya ang bag at agad na ini-report sa mga tauhan ng naturang airport.
"Hindi ko inisip ang halaga, ang nasa isip ko ay gagamitin ito ng may-ari para sa mahahalagang layunin."
Na-verify naman agad kung sino ang nagmamay-ari ng bag at pera at naisauli naman ito sa anak ng may-ari.

Source: Noypi Ako
0 Comments