Kuya Wil, Nagpunta sa Siargao Para Mgahatid ng Tulong sa Mga Nasalanta ng Bagyo!



Marami sa ating mga kababayan ang nasalanta ng malakas ng bagyong Odette. Kabilang sa mga lugar na labis na nasalanta ay ang isla ng Siargao. Ayon sa ulat, mismong ang TV Host na si Willie Revillame ang nagtungo sa Siargao para maihatid ang tulong sa mga taong nasalanta ng bagyong Odette. Nitong Huwebes ay nagpunta si Kuya Wil sa isla para tingnan ang sitwasyon at tulungan ang mga kababayan natin doon.




Mismong si Kuya Wil ang nagpalipad ng helicopter para makita ang nasalantang lugar. Bukod naman sa Php 200,000 na ibinigay ni Kuya Wil sa ilang isolated na Baranggay sa Siargao ay nangako rin siyang magbibigay siya ng Php 1,000,000 para sa siyam na bayan sa Siargao.

"Nagbigay ako ng personal kong pera sa siyam na mayors, tig-P1 million. Sabi ko, bubong at pagkain ang kailangan, so 'yon muna. Uuwi ako ngayon para ma-withdraw 'yung pera, mapirmahan ko 'yung tseke para bukas dadalhin dito 'yung P9 million kasi gusto ko itong Pasko meron na silang makakain."




Matatandaan na hindi nakita si Kuya Wil sa kanyang show at ang pumalit muna ay ang kanyang impersonator na komedyanteng si Michael V.




Si Wilfredo Buendia Revillame o mas kilala bilang 'Kuya Wil' na ipinanganak noong Enero 27, 1961 ay isang Pilipinong host sa telebisyon, komedyante, mang-aawit, manunulat ng kanta, aktor, at negosyante.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments