Marian Rivera, Nakakamangha sa Sobrang Ganda: "Managed to take quick snap!"



Si Marian Rivera Garcia-Dantes, 37-anyos, ay isang artista, commerial model at kilala sa mga pinagbidahan palabas na MariMar, Dyesebel, Amaya, Darna at Temptåtion of Wife. Siya ay mayroong dalawang anak at ang kanyang mister ay ang aktor na si Dingdong Dantes. Marami ang umiidolo kay Marian dahil sa angking ganda nito at sa galing nito sa pag-arte.




Kasalukuyang nasa Eliat, Israel si Maria kasama ang kanyang mister at mga glam team para sa Miss Universe 2021 dahil isa siya sa mga napiling hurado para sa pageant.

Ipinagmamalaki naman ng mga Pinoy sina Marian at ang ating pambato na si Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez. Katulad natin ay todo rin ang suporta na ibinibigay ni Marian kay Beatrice dahil makikïta sa isang video clip na pinalakpakan ni Marian si Beatrice habang rumarampa sa entablo.





Sa instagram post naman ni Marian ay ibinahagi niya ang napakagandang dress na idinesenyo ni Steph Tan. Talaga namang nangingibabaw ang kanyang kagandahan suot ang maputi at bonggang dress.




"Managed to take a quick snap," caption ni Marian sa kanyang instagram post. Very supportive naman ang kanyang mister na si Dingdong Dantes dahil bukod sa sumama ito papuntang Israel ay naroon din siya upang suportahan ang kanyang misis.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments