Pilipinas ang isa sa mga bansang mayroong pinakamatagal na pagdiriwang ng Kapaskuhan. Tiyak na magugulat ang maraming mga dayuhang turista na Setyembre pa lamang ay talagang nagsisimula na tayong mag-ayos at maghanda para sa darating na Kapaskuhan.
Marahil sa kanila ay Disyembre pa talaga ang pagsisimula nito ngunit para sa atin ay “Ber Months” talaga ang hudyat na nalalapit na ang Kapaskuhan. Kung tatanungin tayo kung ano nga ba ang pinakamahalagang bagay sa atin sa panahong ito, tiyak na iis a lamang ang magiging kasagutan natin, PAMILYA.
Wala nang iba pang mas hahalaga sa ating pamilya ngayong Pasko. Tunay nga na magkakasama lamang ang buong pamilya sa araw ng Kapaskuhan na napakasarap nang karanasan para sa atin.
Aakalain ba ninyong maging ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ay talagang malaki rin ang pagpapahalaga sa kanilang pamilya? Ayon pa nga kay Jinkee ay mas gusto talaga nilang magdiwang ng Pasko sa kanilang tahanan sa General Santos City kaysa sa iba pang lugar dahil sa mas masaya at talagang kumpleto ang kanilang pamilya.
Ito kasi ang probinsiya ng mag-asawa, parehong pamilya nila ay nakakasama nila dito at talaga namang napakalaki ng kanilang pamilya.
“Mas masaya kasi dun eh kasi anduon lahat nung ano, family namen. Kay Manny saka family ko,” Pahayag ni Jinkee nang tanungin siya ng sports reporter na si Dyan Castillejo nang minsang magkausap sila kasama si Dra. Vicki Belo.
Dagdag pa ni Jinkee kahit kaarawan ni Manny ay nais nitong sa bahay na lamang nila sa GenSan idinadaos kaysa sa mga mamahalin o malalayong lugar pa. Tunay nga na kahit mayaman na talaga ang pamilya at napakarami na nilang pera ay hindi pa rin nawawala sa kanila ang pagiging simple at mapagpakumbaba nila.
Kung sana lahat tayo ay magiging mapagpakumbaba tulad nila, tiyak na mas marami tayong matatanggap na biyaya mula sa Diyos.
0 Comments