Anak, Binuhat ang Kanyang Ama Habang Nasusun0g ang Kanilang Tahanan!




"Okay lang mawala ang mga gamit namin, mabibili pa yun. Ang papa ko isa lang, kapag nawala papa ko di ko na maibabalik," ani ng anak na mas pinili ang kaligtasan ng kanyang ama kaysa sa tahanan at mga mahahalagang kagamitan. Dito pinatunayan ng anak na kahit gaano kahalaga ang mga bagay at mga kagamitan at mas matimbang pa rin ang buhay ng kanyang magulang.




Mas matimbang ang buhay ng tao dahil kung iisipin, ang buhay ng tao ay hindi mo na maaaring maibalik habang ang bagay, kahit na mawala man ito ay maaari pa rin tayong magkaroon ng kapalit o makabili.

Ang ating mga magulang ang tanging yaman na kahit sinuman o kahit anumang bagay ay hindi matutumbasan. Katulad ng lalaki na ito, ay marapat na ipakita natin sa ating mga magulang ang ating pagmamahal para sa kanila na kahit ano mang materyal na bagay ay hindi sila matutumbasan.




Marami ang naantig sa ginawa ng lalaki para sa kanyang ama dail kung mapapansin, ang mga taong nasa paligid nila na nasunugån din ay abala sa paglikas ng mahahalagang gamit habang siya ay karga-karga ang pinaka mahalagang tao sa buhay niya.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments