Matandang may Alzheimer's, Tinulungan ng mga Kabataan




Isang matandang may Alzheimer's ang tinulungan ng mga kabataan matapos nilang mapansin na ilang araw na sa kanilang lugar ang matanda.

Nakita umano ng mga kabataan si Tatay Alfredo na may sakit na Alzheimer's at puro tali ang paa at hita kaya tinulungan nila ito na tanggalin lahat ng tali.


Matapos nilang matanggal ang lahat ng nakatali dito ay pinaliguan nila ito at binigyan ng masusuot at binilhan din nila ito ng pagkain.

Ayon sa nagpost na si Ivan Torres Azada, nagambag-ambag silang mga kabataan upang matulungan ang matanda dahil mukhang hindi nito alam ang kanyang ginagawa sa kanyang sarili.


Ayon pa umano kay Azada, pinost nya ang sitwasyon ni Tatay Alfredo upang matulungan ito na maka-uwi sa kanila.

Ito ang kabuuang post ni Ivan Torres Azada sa kanyang Fb account,


Ito si tatay Alfredo na nakita namin sa court ng Brgy 133 kung saan kami naglalaro, ilang araw na siyang nandoon kaya minabuti na naming tulungan siya sa kanyang kalagayan. 


Habang tinatanggal namin ang mga tali sa kanyang katawan tinatanong na din namin kung saan siya nakatira at kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. 


Siya ay may Alzheimer's at mabilis makalimot ayon sa kanyang ID, tinulungan namin siya sa abot ng aming makakaya at nag-ambag-ambag kami ng mga kabataan upang makatulong kay tatay Alfredo Magmula sa pagkain hanggang sa susuotin ni tatay. 


Pinost ko po ito para po mas dumami yung tumulong sa kanya, hindi man po sa material na bagay o pinansyal ipagdasal po natin siya na maging maayos ang kanyang kalagayan at ang kanyang buhay. God bless you tatay Alfredo

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments