Batang Musmos, Pilit Ginigising ang Amang Pumanaw na



Isang musmos na bata ang pilit ginigising ang kanyang ama na akala nya ay natutulog lang at hindi nya alam na ito ay wala na

Siguro wala ng mas hihirap at sasakit pa kung ikaw ay iniwan na ng iyong magulang sa murang edad pa lamang.

Katulad na lamang ng batang ito na nag viral sa social media kamakailan lamang dahil sa pag-aakala na natutulog lamang ng mahimbing ang kaniyang ama at hindi alam na namayapa na.


Sa larawan ng ibinahagi ng netizen na si Julie Ann Balonzo sa kaniyang Facebook account, makikita ang isang bata na nakahiga sa kabaong ng kaniyang ama at tila ginigising ito sa pag-aakala na mahimbing lamang ang tulog ng kaniyang ama. Lingid sa kaaalaman ng bata ay namayapa na pala ang kaniyang ama at hindi na niya ito masisilayan kailan pa man.

“Kapatid ko gising ka na daw sabi ng anak mo oh. 😭😭😭💔💔💔”- ani ng tita ng bata.

Ang nasabing larawan ay kaagad namang naging viral sa social media. Marami din sa ating mga netizen ang nahabag at nalungkot matapos makita ang larawan ng bata. Inihayag din ng ilang netizen na maging sila ay nasaktan para sa bata dahil sa murang edad lamang nito ay iniwan na siya ng kaniyang ama.


Samantala, ang ibang netizen naman ay nagpahayag ng kanilang pakikiramay para sa mga naulilang pamilya ng amang namayapa.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

😭😭😭 Sakit isipin. Isang batang wlang kamuwang muwang. Iniwan na ng ama nya🙏. Take care baby. Pakabait ka”

“grabe talaga iyak ko, kapag nakakakita nito😭💔 Sobrang sakit, maiwan mga minamal sa buhay. condolence sayo baby and sa family mo😭”

“condolence po 😢😢 nakakadurog ng puso napakaliit pa ni baby walang kamuang muang na wala na ang papa nya 😢😢”

“Nakakadurog 💔💔 tingnan yung ng wlang alam n kailan mn d na magigising pa ang kanyang ama.. patatag baby God will guide you always.. Godbles..

Condolence to the family..”


Sa ngayon, umabot na sa mahigit na 24,000 reactions at 18,000 shares ang naturang post ng isang musos na bata na nangungulila sa kanyang ama na pumanaw na.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments