Green tunnel sa Iloilo City itatayo para sa mga residenteng dadaan sa “bike lanes”!




Hindi na nga natin maipagkakailang malala na ang kalagayan ng ating bansa at maging ng buong mundo dahil sa “climate change” at “global warming” na ating nararanasan. Ayon sa ilang mga ulat, ang “climate change” ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.



Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.

Habang ang “global warming” naman ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Ayon pa sa siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”.




Ang pagtaas ng antas ng “carbon dioxide” at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo. Nararanasan na natin ang masasamang epekto nito sa mga nakalipas na panahon kung kaya naman kaniya-kaniya nang pamamaraan ang ilang mga bayan upang kahit papano ay makatulong sa mga adbokasiyang ito.



Tulad na lamang ng layunin ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Iloilo na magtayo ng “Green Tunnel” para sa mga siklista. Sa FB page ng kanilang alkaldeng si Iloilo City Mayor Jerry P. Treñas ay ipinahayag nitong magtatayo sila ng “Green Tunnel” sa kahabaan ng Diversion Road sa kanilang lungsod.

Dagdag pa ng alkalde, nais nilang makatulong upang mas maging maayos ang buhay ng mga residente at upang mapaganda ang kanilang kapaligiran. Ang naturang tunnel ay may sukat na 4.5 hanggang 6 metro na magkakaroon din ng maraming mga “ornamental plants” sa paligid nito.




Maliban pa rito ay magtatayo din sila ng 32 mga “waiting sheds” na lalagyan din nila ng mga halaman. Ikinatuwa naman ito ng maraming mga netizens at umaasa silang magiging matagumpay ang proyektong ito.





Post a Comment

0 Comments