Aubrey Miles, certified plantita dahil sa kaniyang mga “rare plants” na nagkakahalaga ng Php300,000!




Hindi bago sa maraming mga Pilipino ang makarinig ng mgakatagang “Certified Plantito”, “Certified Plantita”, “Plant Parents” at marami pang mga salitang patungkol sa pag-aalaga ng mga halaman. Buhat kasi ng magsimula ang paglaganap ng pandemya sa bansa noong kalagitnaan ng Marso 2020 ay unti-unti na ring nagsimula ang ilan sa ating mga kababayan na humanap ang mapaglilibangan.



Isa na sa mga ito ang pangongolekta ng mga halaman. Dahil na rin dito ay mas maraming mga Pilipino ang nabigyan ng pagkakataong magbenta ng mga halaman at kahit papaano ay kumita sa gitna ng pandemya.

Isa na nga sa mga sikat na personalidad na talagang kinabibiliban at kinaiinggitan ngayon ng publiko ay ang aktres at modelong si Aubrey Miles. Mayroon lang naman kasi siyang halaman na nagkakahalaga ng Php300,000!




Malaking halaga na ito para sa marami sa atin ngunit para sa mga “Certified Plant Parents” ay hindi isyu ang ano mang halaga ng pera lalo na kung talagang hilig nila ang pangongolekta ng mga halamang ito. Ayon sa naging pahayag ni Aubrey sa programa ng “Brigada” sa GMA News ay nagsimula na siyang mag-alaga ng mga halaman bago pa man ang pandemic.

Mayroon din siya noong mamahaling halaman na inaalagaan at kaniyang pinapalaki. Kapag lumaki na ang halaman niyang ito ay saka naman niya ibinebenta sa mga malalapit niyang kaibigan.



Ang halamang ito ni Aubrey ay tinatawag na “Variegated Billietiae”. Isa ito sa mga halamang mahirap palakihin at palaguin kung kaya naman maaari talaga itong magkahalaga ng tumataginting na Php300,000.




Pagkukuwento pa ng aktres, nagsimula ang lahat 12 taon na ang nakararaan nang magbuntis siya sa ikalawa niyang anak. Tamad na tamad siyang maghardin noon kung kaya naman ipinasok na lamang niya ang ilang mga halaman niya sa loob ng kanilang tahanan.

“Pride” at “Joy” ang nararamdaman ni Aubrey sa tuwing makikita niyang lumalaki at lumalago ng mabuti ang mga halamang kaniyang inaalagaan.





Post a Comment

0 Comments