Tila ba isang bangungot ang nararanasan ng maraming mga bansa ngayon sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil na rin sa patuloy na paglaganap ng COVID-19. Milyon-milyon na ang nasawi at nagkasakit dahil dito ngunit hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga tao ang nagpopositibo rito.
Dalangin ng buong mundo na matapos na at bumalik na sa dati ang lahat ngunit tila ba dapat na tayong masanay sa nangyayaring ito sa atin. Bago pa man kasi matapos ang taong 2020 ay mayroon na namang ikalawang “variant” o “mutation” ang naturang sakit.
Mayroon nang mga pinag-aaralang bakuna at mayroon na ring iilan na nakatanggap na nito. Ngunit hindi maipagkakaila na napakarami pang tanong sa ating mga isipan ang nangangailangan ng sagot.
Marahil ay pumasok na rin sa ating isipan na kung sakaling masamang panaginip lamang ito ay magising na sana tayo. Kung akala natin ay sa pelikula lamang nangyayari ang mga ito, nagkakamali tayo.
Dahil sa tunay na buhay ay posible din palang magising na lamang isang araw ang isang tao at sa kaniyang paggising ay ibang-iba na ang mundong kaniyang kinagisnan. Ito ang naranasan ng isang binatilyo mula sa England dahil matapos ng 10 buwan niyang pagka-comatose ay nagising na lamang siya na mayroon nang pandemya sa kanilang bansa at sa marami pang mga bansa sa buong mundo.
Marso 1, 2020 nang maaksidente at masagasaan si Joseph Flavill, 19 na taong gulang. Nasa 23 katao pa lamang ang nagpopositibo noon sa England nang mangyari ito sa kaniya ngunit tatlong linggo pa lamang ang nakalilipas ay nagdeklara na ng “major lockdown” sa kanilang bansa.
Nagkaroon ng “traÜmatic brain injÜry” si Flavill at dalawang beses na rin siyang nagpositibo sa naturang sakit habang namamalagi siya sa ospital ngunit himalang siya ay nakaligtas sa kabila ng mga ito. Sa ngayon ay naigagalaw na niya ang kaniyang katawan at nagagawa na rin niyang idilat ang kaniyang mga mata.
Nahihirapan pa sa ngayon ang kaniyang pamilya na ipaliwanag sa kaniya ang kasalukuyang pagbabago ng mga bagay na nakagisnan na niya noon. Sa patuloy niyang pagpapagaling ay tanging sa pamamagitan na lamang ng video calls siya nakakamusta ng kaniyang pamilya. Bumuhos din ang biyaya sa pamilya dahil sa nakatanggap na sila ngayon ng halos Php2.1 milyong piso para sa kaniyang pagpapagaling.
Source: Abscbn
0 Comments