Nitong nagdaang mga buwan at taon ay talagang nakaranas tayo ng maraming mga pagsubok lalo na nang kumalat na ng husto ang pandemya sa buong mundo. Maraming mga negosyo ang nagsara at mga manggagawa na nawalan ng trabaho.
Nakakalungkot mang isipin ngunit ito na ang reyalidad ng buhay natin sa ngayon. Dahil sa mga kaganapan na ito, kinailangan din ng iilan sa atin na maghanap ng bagong trabaho o kahit anong paraan upang mabuhay at patuloy na suportahan ang ating pamilya.
Isa na marahil sa mga masisipag na indibidwal na ito ang ama ng netizen na ito na si Esther Erin na isang Grab driver. Marami ang nalungkot at natuto sa kaniyang Instagram post na pinamagatan niyang “A True Story About Grab Driver’s”.
Ito ay tungkol sa paghanga niya sa kaniyang ama dahil sa kabila ng pagod, hirap, at sakripisyo ng kaniyang ama ay nagagawa pa rin niyang ipagpatuloy araw-araw ang kaniyang trabaho bilang isang Grab driver. 5:30 pa lamang daw ng umaga ay nag-aalmusal na ang kaniyang ama para sa mahabang araw nito.
Habang alas-otso na ng gabi ang susunod na kain nito. Kahit pa nga daw alas-sais na ng gabi ay tumatanggap pa ito ng isang kostumer bago ang kanilang hapunan. Talaga namang napakasipag ng kaniyang ama.
Ginagawa ito ng kaniyang ama dahil sa nais nitong mapunan lahat ng gastusin at pangangailangan ng kanilang buong pamilya. Umantig sa puso ng publiko ang insidenteng kinuwento ni Esther kung saan ang kaniyang ama ay binuhusan ng mainit na sabaw ng isa sa kaniyang mga naging kostumer.
Matagal daw kasing naghintay ang kostumer na ito sa order niyang pagkain na tumagal talaga sa restaurant pa lamang kung saan ang may-ari ay napakasungit din. Humingi ng paumanhin ang kaniyang ama ngunit nakatanggap pa ito ng masasakit na salita mula sa kaniyang kostumer na siya ring nagtapon ng mainit na sabaw sa kaniya.
Pakiusap ni Esther na maging mabait sana tayo sa lahat ng pagkakataon at hangga’t maari ay magpakita ng pagrespeto sa iba ano man ang kanilang trabaho o estado sa buhay.
0 Comments