Lalaking naglalako ng “sponge” na panghugas ng plato sa loob ng 13 taon, nakapagtapos na ng kolehiyo!





Sikat na sikat pa rin hanggang ngayon ang mga katagang binitawan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal patungkol sa mga kabataan. “Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.”



Ngunit paano nga ba magiging pag-asa ng Pilipinas ang mga kabataan kung marami sa mga kabataang ito ang hindi makapagtatapos ng pag-aaral? Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na laganap na talaga noon pa man ang kahirapan sa bansa.

At dahil nga dito ay mas maraming mga kabataan ang hindi nakakapag-aral. Buti na lamang at mayroon pa ring iilang mga kabataan ang hindi tumitigil upang matupad ang kanilang mga pangarap.



Hindi lamang para sa kanilang sarili kundi maging para sa kanilang pamilya. Isa na sa kanila ang lalaking ito na nakilala bilang si Melvin Chua na taga-Makati City. Sa loob ng 13 taon ay nagawa niyang magtinda ng mga “sponge” na panghugas ng plato.




Umulan man o umaraw ay talagang walang nakakapigil sa kaniya upang magtinda. Kahit pa nga mahal na araw ay talagang nagtitinda siya ng mga 5, 10, 15, at hanggang 20 piso na mga sponge.
Sa ngayon ay graduate na siya sa kolehiyo. Nagtapos siya sa University of Makati ng Bachelor of Science in Business Administration, Major in Office Management.



Ibinahagi niya sa kaniyang social media post kung gaano siya nagpapasalamat sa kaniyang mga suki na naging malaking parte ng kaniyang pagtatapos na ito. Hindi lamang daw nakatulong sa kaniyang ina ang paglalako niyang ito ngunit pati na rin ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ay talagang nabigyang katotohanan na rin.

Maraming mga netizens din naman ang humanga sa kaniyang pambihirang kasipagan dahil mula elementarya hangganga kolehiyo ay napagsumikapan niyang magbanat ng buto. Kung mas maraming mga Pilipino lang sana ang makakakita kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng magandang edukasyon, tiyak na mas marami sa atin ang magtatagumpay sa buhay.





Post a Comment

0 Comments