Isang batang nagtitinda ng balut sa lansangan kahit hating-gabi na umantig sa puso ng maraming mga netizens!





Nakakalungkot mang isipin ngunit madalas ay nakakatagpo tayo ng mga kabataan na tila hindi batid kung gaano sila kapalad na sila ay mayroong mga magulang na talagang sumusuporta at nagmamahal sa kanila. Madalas kasing hindi na nabibigyang pagpapahalaga ng mga anak ang ginagawa ng kanilang mga magulang sa kanila.



Paggising pa lamang sa umaga nang nakahanda na ang pagkain sa hapag-kainan at ang mga gagamit sa eskwela. Maging ang baon na pagkain at pera ay hindi nakakaligtaang iabot sa kanila ng kanilang mga magulang.



Hindi na rin sila kumikilos pa sa loob ng bahay dahil ang kanilang mga magulang na mismo ang nag-aasikaso ng bahay para sa kanila. Hindi na bago ang mga ganitong klase ng eksena kung kaya naman maraming mga netizens ang labis na naantig sa kwento ng batang si Jerahmeel Dela Cruz o mas kilala sa bansag na “Memeng”.




Siya ay nakatira sa Paradise, Malanday, Marikina City. Minsan nang ibinahagi ng netizen na si Areane Reanoga Tabalan ang kwento ni Jerahmeel.




Nakiusap daw ito sa kanila isang hating-gabi kung maaari siyang maki-upo sa kanila dahil sa pagod na pagod na ito sa paglalako ng tinda niyang balut. Hating-gabi na nang mga oras na iyon at sinabi din ng batanga 7 ng umaga ay mayroon pa siyang klase.

Ngunit ganoon na lamang talaga ang pagsusumikap ni Jerahmeel na maibenta lahat ng kaniyang paninda dahil sa siya na lamang din ang inaasahan ng kaniyang ama na mayroong sakit. Wala na rin siyang ina kung kaya naman kailangan niya talagang magtiis at magpakatatag para sa kaniyang pangarap at sa kaniyang pamilya.

Marami ang naantig sa kwento ng batang ito at nagnais na matulungan siya habang ang iba naman ay nagparating ng pagnanais nila na pag-aralin siya. Napakagandang balita nito para sa kaniya dahil sa wakas ay matutupad na rin niya ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Hindi naging hadlang ang kahirapan upang ang batang katulad niya na nasa Grade 7 pa lamang ay magsumikap ng husto upang maisakatuparan ang kaniyang mga pangarap. Isa siyang napakagandang ehemplo sa maraming mga kabataan.





Post a Comment

0 Comments