Mag-ama na sa lansangan na lamang natutulog, sinubukang tulungan ng isang netizen na siyang nag-post ng kanilang mga larawan!





Hindi na bago sa atin ang makakita ng mga taong natutulog sa lansangan o sa mga bangketa. Kahit noon pa man ay hindi na talaga nauubos ang mga taong kalye kahit pa nga marami nang ipinapanukalang batas ang ating pamahalaan.



Kung inaakala natin na maraming mga sugarol, o mga kabataang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang madalas na nasa lansangan, marami din palang mga taong walang masisilungan ang naghahanap na lamang ng pwesto sa madilim, malamig, at delikadong lugar na ito. Nakakatakot man ngunit wala na rin naman silang iba pang mapagpipilian kundi ang subukang mamalagi sa lansangan.

Tulad na lamang ng mag-ama na ito. Umantig sa puso ng publiko ang kwento ng mag-amang ito na taga-Urdaneta, Pangasinan.






Namataan kasi sila ng netizen na si Reymark Ogaya Alano na madalas natutulog sa bangketa. Napakahirap ng sitwasyon ngayon ng mag-ama dahil sa wala na silang tirahan.



Inabandona na rin ang lalaki ng kaniyang asawa kahit pa nga ang anak nila ay isang taong gulang pa lamang. Walang pera ang ama kung kaya naman tubig lamang ang dinedede ng kaniyang anak.

Talaga namang kumurot sa maraming mga netizens ang kwentong ito kung kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa ang isang mabuting lalaki mula sa Parañaque na kupkupin muna ang mag-ama. Dahil wala ring cellphone ang lalaki ay nagmalasakit na si Kristel Fabilane Redoblado na sa kaniyang cellphone number (0961-5554-360) na lamang tumawag ng mga nais magpaabot ng tulong sa mag-ama.

Tiyak na mas marami pang mga netizens ang tutulong sa mag-ama kahit sa pinakamaliit at pinakasimpleng paraan. Hindi naman din natin kailangan ng maraming salapi para lamang makatulong sa ating kapwa na nangangailangan.

Simple man para sa iba ngunit tiyak na makakabago ng buhay ang mga simpleng pagtulong na ating ginagawa para sa ating kapwa lalo na iyong mga nangangailangan talaga ng ating tulong.





Post a Comment

0 Comments