Kung tatanungin ka ng isang tao kung ano nga ba ang tunay na kahulugan para sa iyo ng “tagumpay” at “kaligayahan”, masasagot mo kaya ito? Kapag ba ikaw ay mayroong magandang tahanan, kumikitang negosyo at maraming pera, masasabi mo bang isa ka nang matagumpay na tao?
Kung ikaw naman ay wala pang sariling bahay ngunit mayroong maayos na trabaho kapiling ang iyong asawa at mga anak, maaari mo na bang masabi na ikaw ay tunay na masaya? Kaniya-kaniya tayo ng pagbibigay kahulugan sa “tagumpay” at “kaligayahan” dahil sa iba iba rin naman tayo ng prayoridad sa buhay.
Ngunit maaaring halos lahat sa atin ay nangangarap na matagpuan ang ating magiging katuwang sa buhay. Tulad na lamang ni Marlon Cajucom na isang “online shopping app rider”.
Sinong mag-aakala na sa kaniyang trabaho at pagdedeliver pa niya mismo makikilala ang babaeng magpapatibok ng kaniyang natutulog nang puso. Ayon sa ilang mga ulat ay ibinahagi ni Marlon ang hindi ordinaryo nilang kwento.
“Naalala ko pa nung una kitang nakilala lagi akong excited pumasok lagi sa trabaho para i-check kung mababasa ko ba ang pangalan mo sa runsheet ko tuwing umaga!” Pahayag ni Marlon.
Nagsimula daw ang lahat nang maging regular niyang kostumer ang ina ni Jhasin May Benito na si Nanay Mary Grace. Minsan siyang nagdeliver sa kanila nang gabi at ikinagulat ito ng matanda.
Dahil sa pambihirang kasipagan ay tinanong siya nito kung mayroon na ba siyang asawa. Agad naman niya itong sinagot na wala pa siyang misis. At dito na nga ipinakilala ni Nanay Mary Grace ang kaniyang anak na si Jhasin kay Marlon.
November 5 nang maging magkasintahan na sila at January 26 naman nang sila ay magpakasal. Kinikilig pang ibinahagi ni Jhasin na kahit pa abala sa trabaho si Marlon ay hindi ito nakakalimot na bigyan at dalhan siya ng bulaklak.
Source: Facebook
0 Comments