Isang Palestinian na walang bisig at binti, isang oranger belter at nagtapos pa ng kursong Law!





Madalas tayong hindi nasisiyahan o nakukuntento sa mga bagay na mayroon tayo. Ang mahirap pa nga ay naiinggit tayo sa mga bagay na mayroon ang ating kapwa nang hindi natin namamalayan na pinapangarap din nila ang mga bagay na ating tinatangkilik.



Marami tayong mga tinatangkalik na mga bagay na minsan ay hindi na natin nabibigyan pa ng halaga ngunit sa oras na mawala ang mga ito ay talagang pagsisisihan natin ng husto. Ang Palestinian na si “Youssef Abu Amira”, 24 na taong gulang ay walang tipikal na binti at bisig ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin siya napigilan ng kaniyang kalagayan na ipagpatuloy ang pag-eensayo sa isports na karate.




Ginagawa niya ito sa “Al-Mashtal Club for Martial Arts” sa Gaza City. Marahil ay mapapaisip tayo tungkol dito dahil ang mga ganitong interes ay madalas nating nakikita sa mga taong kumpleto ang mga bisig at mga binti.




Ngunit para sa Palestinian na ito ay hindi siya mahahadlangan ng kahit ano mang bagay lalo na kung nais niya talaga ang isang bagay. Sa katunayan ay isa pa nga siyang “orange belter” sa Karate.



Ito ay ipinagkakaloob sa mga estudyante ng Karate na nag-aaral ng basic at fundamental skills ng martial arts na ito. Talaga namang nakakamangha ang kaniyang dedikasyon sa maraming mga bagay sa kabila ng kaniyang kakulangan sa pisikal niyang pangangatawan.




Hindi na nakapagtatakang humanga at bumilib sa kaniya ng husto ang maraming mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento at reaksyon:

“Yung iba dyan kompleto nga sa parte ng katawan, kinulang naman sa respeto. Huwag po natin siyang pagtawanan. isa po siyang inspirasyon sa ating lahat,” pahayag ng isang netizen.

“You are an inspiration to those who think that their physical limitations defines them.” Komento naman ng isa pa.


“Yung mga nag-react ng laugh at nangungutya sa taong ito sa mga comments, wala pa kayo sa kalahati ng lakas ng loob at katapangan ng taong ito. Martial arts is not about kicking and punching. It is all about principles, discipline, and tradition. Saludo ako sa’yo kapatid sa disiplina,” turan naman ng isa pa.





Post a Comment

0 Comments