Isang pulis, nagpamalas ng kabutihan sa mag-inang nagtitinda ng candy sa labas ng isang convenience store!





Hindi na mabilang ang mga insidenteng kinasasangkutan ng ating kapulisan ng mga nagdaang taon. Ilan sa mga ito ay ang walang habas na pagbaril ng pulis sa mga inosenteng tao.



Ilang buhay ang nasayang dahil lamang sa nagalit sila at hindi napigilan ang kanilang sarili na barilin ang taong kanilang kaalitan. Mayroon din namang iilan na nakaranas ng pangmomolestiya at pang-aagrabyado sa mga ilang mga pulis.

Dahil dito ay marami na rin sa atin ang hindi na gaanong nagtitiwala sa ating mga kapulisan. Ngunit taliwas sa mga halimbawang ito ang nasaksihan ng isang netizen nang minsan siyang magtungo sa isang convenience store sa Marikina City.






Nakakita kasi siya ng isang pulis na hindi nagdalawang-isip na tumulong sa mag-inang nagtitinda ng candy sa labas. Binilhan niya ito ng pagkain at inumin na talaga namang pinagpasalamat nila ng husto.
Nang mga oras kasi na iyon ay wala pang perang pambili ng pagkain ang mag-ina. Mabuti na lamang at naroroon ang pulis na si Bason Delos Reyes.



Ayon sa netizen na nakakita sa kanila, si Janet Samson-Morta, hindi raw lahat ng pulis na kaniyang nakikita ay katulad ng pulis na ito. Sinaluduhan niya ito at talaga namang pinuri dahil sa kabaitan na kaniyang ipinamalas.

Kung saan ay mas maraming mga pulis ang gagawa nito, mas magiging kampante ang publiko na naririyan talaga sila upang tumulong at magprotekta sa mga taong nangangailangan. Isang napakagandang halimbawa nito hindi lamang para sa mga kapulisan o sa mga may katungkulan kundi para na rin sa bawat isa sa atin na huwag tayong manghinayang na tumulong sa ating kapwa.

Hindi naman natin kailangang maging mayaman upang makagawa ng mabuti sa iba. Ang pagkakaroon ng mabuting kalooban at intensyon sa ibang tao ay talagang malaki na ang magagawa.

Maaari tayong makahipo ng mga puso ng mga taong hikahos sa buhay at sa halip na sumuko sila sa buhay ay mas mabibigyan pa natin sila ng inspirasyon upang mas magsumikap pa at makatulong din sa iba kapag nagkaroon na sila ng pagkakataon.





Post a Comment

0 Comments