Madalas na nating marinig ang mga katagang “Ang anak ay kayang tiisin ang magulang ngunit hinding-hindi kayang tiisin ng magulang ang kaniyang mga anak.” Matagal na nating napatunayan ito dahil halos lahat naman ng ating mga magulang ay talagang sobra sobra ang pagkalinga at pagmamahal sa atin.
Maraming mga netizens ang naantig sa kalagayang ito ni Nanay Jacinta “Sinta” Balagtas”. Kahit kasi 83 taong gulang na siya ay araw-araw pa rin siyang nagbabanat ng buto hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi lalo na para sa kaniyang anak na si Krisanta.
Hindi alintana ng masipag na matanda ang hirap at pagod sa araw-araw na pagtutulak ng kaniyang munting kariton, makapagbenta lamang ng ilang gulay. Alas-kwatro pa lamang ng umaga ay umaalis na si Nanay Jacinta sa kanilang bahay upang makapili ng gulay sa Divisoria na siya naman niyang ilalako sa bangketa.
Sa ganap na ika-8 ng umaga ay nagsisimula na siyang magtinda sa mga eskinita ng Navotas. Sa maghapon niyang pagsisipag ay nakakapag-uwi siya ng halagang Php200 hanggang Php300. Mayroon pang ibang anak si Nanay Jacinta maliban kay Krisanta ngunit ayaw na niyang makadagdag pa sa kanilang alalahanin sa araw-araw lalo na at mayroon na rin silang kaniya-kaniya nilang pamilya.
Mayroon ding iniindang karamdaman ang matanda, “hypertensi0n” ngunit iniinuman na lamang niya ito ng gamot at nagpapatuloy pa rin sa araw-araw na trabaho. Napakahirap para kay Nanay Jacinta ng ganitong klaseng trabaho dahil sa kaniyang edad ay hirap na din siyang maglakad ng malayo at tumayo ng matagal ngunit palagi niyang inuuna ang kaniyang anak na si Krisanta.
Tanging hiling ng mabuting ina na huwag sana siya mawala kaagad dahil sa walang mag-aalaga at susuporta para sa kaniyang anak na mayroong kapansanan. Sana ay mayroong mga mabubuting puso ang tumulong sa mag-ina lalo na kapag napalaganap sa social media ang kanilang nakakaantig na kwento.
0 Comments