Isang lalaking nagtatrabaho sa tubuhan, nangarap na makapagtapos ng kolehiyo ngayon ay isa nang licensed teacher!





Ang pagkakaroon ng isang pamilyang nakasuporta sa iyo na maabot ang iyong mga pangarap sa buhay ay talagang napakalaking bagay na para sa mga taong ginagawa ang lahat maging posible lamang ang kanilang mga mithiin. Kung marami sa atin ang mayroong mga magulang na todo-suporta sa kanilang mga anak, mayroon din namang iilan na mas nais na maging praktikal na lamang sa buhay ang mga ito.



Tulad na lamang ng tatay ni Melvin Osabel Buracho. Bata pa lamang silang magkakapatid ay talagang sinasabihan na sila ng kanilang ama na huwag nang mangarap pang magtapos ng kolehiyo dahil talagang imposible ito lalo na sa kalagayan nila na pagtatabas lamang sa tubuhan ang ikinabubuhay.


Batid naman ni Melvin na walang masamang hangad ang kaniyang ama, ayaw lamang din nitong masaktan siya kung hindi niya makakamit ang pinapangarap niyang diploma. Sa kabila nito ay nanatiling masipag at determinado si Melvin.






Sinunod niya pa rin ang kaniyang ama na magpatuloy sila sa pagtatrabaho sa tubuhan. Ngunit nang makakita siya ng trabaho sa isang restawran ay hindi na niya ito pinalagpas pa.



Pumasok siya at nagtrabaho ng husto rito. Pinagsabay niya ang kaniyang pagtatrabaho at pag-aaral. Hanggang sa nakapagtapos na siya ng hayskul.

Masayang masaya siya hindi lamang dahil nakapagtapos na siya sa hayskul kundi dahil marami din siyang mga karangalan na natanggap. Nakakalungkot lamang dahil hindi nagtungo ang kaniyang ama sa pagtatapos nilang ito.

Nanatiling malamig ang pakikitungo sa kaniyang ng ama dahil nga sa ayaw nitong mag-aksaya pa siya ng oras sa pagpasok sa paaralan araw-araw. Hanggang sa isang araw ay hindi inaasahang pumanaw ang kaniyang ama.

Hindi na sila nagka-ayos pang mag-ama hanggang sa huling sandali nito. Ngunit nang makapagtapos na ng kolehiyo si Melvin ay muli niyang binisita ang libingan ng kaniyang ama kung saan niya sinabing hindi na masama ang loob niya rito bagkus ay malaki pa rin ang pasasalamat niya dahil sa pagmamahal na ipinaramdam niya noong siya ay nabubuhay pa.

Iniaalay ni Melvin ang tagumpay niyang ito sa kaniyang mga magulang at mga kapatid, ngayon ay isa na siyang lisensiyadong guro!





Post a Comment

0 Comments