Madalas ay nakakaligtaan natin ang maraming mga magagandang bagay sa ating paligid. Hindi na natin nabibigyang-halaga pa ang mga simple ngunit importanteng mga bagay sa ating buhay.
Tulad na lamang halimbawa ng simpleng tahanan na ating tinitirhan, ang ating mga trabaho kahit gaano pa ito kahirap, ang ating magandang kalusugan at pangangatawan, lalong lalo na ang ating mga mahal sa buhay na palaging nariyan para sa atin. Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa kwento ng mag-lolo na ito namataan ng netizen na si Emilio Torrente sa isang overpass sa Calamba.
Ayon sa kaniya ay tinanong niya ang matandang lalaki kung bakit ito namamalimos kasama ang isang batang musmos sa gitna ng pandemya? Sinabi nitong sila na lamang ng kaniyang apo ang magkasama dahil sa pumanaw na ang ina nito noong siya ay 9 na buwan pa lamang.
Mula raw noon ay namalimos na siya para mayroon silang pambili ng gatas at diaper niya. Sa bangketa na lamang natutulog ang mag-lolo kung kaya naman humihingi sila ng tulong sa iba upang kahit papaano ay makabili ng gamit at gatas ang kaniyang apo.
Marami ang talagang nabahala sa kwentong ito ng mag-lolo dahil sa hindi rin naman talaga biro ang dulot ng pandemya sa mga matatanda at sa mga sanggol. Sana ay mabigyang atensyon sila ng kinauukulan dahil talagang hindi biro ang kalagayan nila ngayon lalo na at mayroon pa ring banta ng pandemya sa ating bansa.
Tunay nga na napakaraming mga bagay tayong nakakaligtaan na sa buhay ngunit huwag sana nating makalimutan na lahat tayo ay mayroong pinagdaraanan sa buhay at talagang sinisikap nating lahat ang makaraos at makapagpatuloy sa araw-araw. Hindi lamang sa tulong ng ating kapwa kundi sa tulong at biyaya na rin ng ating Panginoon.
Sana ay maging maayos na ang kalagayan ng mag-lolo na ito at mayroong tumulong sa kanila upang hindi na nila kailanganin pang lumabas at mamalimos sa bangketa.
0 Comments