Tatlong magkakapatid na maagang naulila sa kanilang mga magulang, nagsumikap sa Canada at ngayon ay mga successful na kanilang mga karera!





Noon pa man, talagang marami nang mga Pilipino ang nagnanais na magtrabaho at manirahan sa ibang bansa. Sa halip kasi na magtiis at manatili dito sa Pilipinas kung saan maliit lang talagang ang sweldo, nakikipagsapalaran na lamang sila sa ibayong-dagat upang kumita ng mas malaki at magkaroon ng pagkakataon na makaahon sa kahirapan.



Isang napakagandang halimbawa na nga ang tatlong magkakapatid na ito na sina Michael, Angelo, at Anthony Villadarez. Sila ay mula sa Balatan, Camarines Sur. Bata pa lamang sila nang maulila sila sa kanilang mga magulang.

Disyembre 23 nang pumanaw ang kanilang ama at 16 araw lamang ang nakalipas at sumunod namang namayapa ang kanilang ina. Talagang napakasakit para sa magkakapatid ang nangyaring ito ngunit talagang pinilit nilang magpakatatag sa buhay.






Ang kanilang lola Segundina na ang nag-alaga sa kanilang tatlo. Mahirap man ang buhay ay hindi hinayaan ng kanilang lola na magkahiwalay silang tatlo.



Ang kanilang lola mismo ang sumuporta sa kanilang magkakapatid. Nang tumuntong na sa 18 taong gulang ang panganay nilang si Michael ay naglakas-loob itong nagtungo sa Toronto, Canada.

Inako niya na ang responsibilidad sa kaniyang mga kapatid at talagang nagsumikap siya ng husto upang makuha ang kaniyang lola at 2 kapatid sa Pilipinas. Hindi nagtagal at nakuha na rin niya ang dalawang kapatid niya at nanirahan na rin sila sa Canada.

Sa kasamaang-palad ay hindi na ito naabutan pa ni Lola Segundina dahil sa nasawi na rin ito. Bagamat may pighati ang kanilang mga puso sa pagkawala ng kanilang pinakamamahal na lola ay mas nagsumikap talaga sila upang makaahon sa buhay.

Talagang hindi nagpapigil ang magkakapatid sa nais nilang maabot. Pinagsasabay nila ang pagtatrabaho bilang kitchen helper at kitchen cleaner. Hindi nagtagal at nagkaroon na sila ng kaniya-kaniya nilang mga trabaho.

Naging nars si Angelo, Team Lead si Anthony sa isang recreation center. Si Michael naman ay naging isang Assistant Produce Manager sa isang Supermarket.





Post a Comment

0 Comments