Napakayaman ng ating bansang Pilipinas, marami tayong mga yamang-dagat at yamang-lupa. Sadyang napakarami ring magagandang tanawin sa ating bayan kung kaya naman hindi na nakapagtataka na maraming mga dayuhan ang dito na napipiling manirahan at magretiro.
Kamakailan lamang ay umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko ang isang mamahaling klase ng kristal na ito na natagpuan mismo ng isang mag-asawa mula sa Barbaza, Antique. Ito ay nasa ilalim ng puno ng balete.
Ayon kay Garry Pagsuguiron, nakita ng kaniyang asawa ang naturang kristal sa ilalim mismo ng puno ng balete. Nang madiskubre daw nila ang Amethyst ay mayroon pa nga raw dalawang malaking mga palaka ang tila nagbabantay sa mga ito.
Ayon sa ilang mga artikulo, ang bato na ito ay kilala rin sa tawag na “The all-purpose stone”. Mabisa daw ito sa pag-ibsan ng stress at pagiging balisa.
Maging ang mga sintomas na dulot nito tulad na alamang ng pananakit ng ulo at katawan. Ayon naman sa isang Gem expert na si Engineer Jonathan G. De Gracia, ang bato o kristal na ito ay isang mataas na uri ng quartz.
Maaari lamang itong makita sa mga bansang Brazil, Siberia, Sri Lanka, Uruguay at iba pang mga malalayong lugar. Pinagtulungan daw mismo ng mag-asawa na makuha ang mamahaling bato na ito.
Kalaunan ay kinumpirma mismo mo Engineer Gracia na totoong Amethyst nga ito. Samantala, marami namang mga netizens ang nagsasabing hindi na raw ganoon kamahal ang presyo ng mga ganitong klase ng bato sa ngayon.
Isang netizen pa ang nagsabing nasa 700 piso na lamang daw ang kada kilo nito at madalas niya din daw makita ang mga ganitong mga bato bilang dekorasyon sa lamesa o di kaya naman ay sa hardin. Talaga namang napakaganda ng hitsura ng kristal na ito.
Ikaw, nanaisin mo din bang makadiskubre ng ganitong klase ng bato?
0 Comments