Virgelyn, Naglabas na ng Saloobin Tungkol sa Naging Pahayag sa Kanya ni Murå!



Matatandaan na personal na nagtungo ang sikat na vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang Virgelyncares sa artista at komedyante na si Murå. Marami ang sumubaybay sa pagkikïta ng dalawa hanggang sa binigyan ni Virgelyn ng tulong si Murå. Ngunit, isang viral video ni Murå ang nag-viral sa social media matapos nitong magbitaw ng salita tungkol kay Virgelyn.




"Kaya walang sisihan kung anuman ang ilalabas ko sa aking bibig mga ka-legit," ani ni Murå sa kanyang video.

"Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon," ang bahagi ng mga nasabi ni Mura sa kanyang live video na ikinagulat ng marami," dagdag pa nito.



Agad namang nagbigay ng pahayag si Virgelyn sa sinabi ni Murå.

"Kumusta ka Mura? Sana 'yung pagtatanim mo ng mani at kung gaano mo pinausbong yung mga mani mo diyan sa bukirin, ganoon mo rin sana pausbungin ang pagtatanim ng utang na loob," panimula ni Virgelyn sa kanyang video.

"Hindi ko sinasabing pasalamatan mo ako, hindi ko rin hinihingi kaninoman na tinutulungan ko. Ang akin lang, kahit sa iba mo nalang gawin 'yun."

"Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa 'yun, nasabi. Siguro dahil live lang. Minsan kasi pag-live kasi tayo, lumilipad kasi yung isip natin," ani ni Virgelyn.



Dagdag pa niya, marami na rin siyang subscribers bago pa man niya matulungan si Murå dahil marami na rin siyang natulungang tao.

"Bago kita nai-vlog, marami na akong napa-viral na video. magmula doon sa anak-araw, kay Alexander, kay Jenny, kay Klara at yung nanay na gumagapang sa tubuhan... marami na akong napa-viral. Kung titingnan mo milyon-milyon react yun."




"Bawas-bawasan natin Mura 'yung pagmamataas. Ni minsan, hindi ako nanumbat ng mga tinulungan kong tao."

Gayunpaman, hiniling naman ni Virgelyn na magkita sila ni Murå ulit at makapag-bonding. Narito ang kabuuang video:



Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments