Marahil marami sa atin ngayon ang nagnanais na manirahan at magretiro sa probinsiya. Dahil sa sariwang hangin, tahimik na pamumuhay, at murang mga bilihin. Tiyak na marami din ang interesado sa payak at simpleng pamumuhay rito.
Madalas kasi na maingay at laganap na ang polusyon sa lungsod kung kaya naman hindi na rin nakapagtatakang marami ang nagnanais nang manirahan sa probinsiya. Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens ang kwento ng isang batang lalaki na nakilala bilang si Jhon Errol Mampusti.
Siya ay nakatira sa Tugos, Boac, Marinduque. Ibinabahagi niya sa kaniyang mga ina-upload navideo ang simple, payak at masayang pamumuhay nila sa araw-araw.
Para sa video niyang ito ay ipinakita niya ang kinakain niyang pananghalian. Ilang piraso lamang ng kamote ang panglaman niya sa kaniyang sikmura. Ito lamang daw ang kaniyang pagkain noong araw na iyon dahil sa wala pa silang pambili ng bigas at hindi pa nakakasweldo ang kaniyang ama sa trabaho nito.
Ayon sa kaniya, naiinggit raw siya sa ibang mga bata dahil sa palaging mayroong pagkain na nakahain sa kanilang hapag-kainan. At kinakailangan pang utusan ng kanilang mga magulang para lamang maghugas ng kanilang kinainan pagkatapos kumain.
Ito ay dahil sa pagsasakripisyo at pagsusumikap ng kanilang mga magulang sa trabaho. Ngunit madalas ay hindi ito nabibigyang halaga ng mga anak dahil sa tanging sarili lamang nila ang kanilang iniisip.
Madalas daw ay nagrereklamo pa ang mga ito sa tuwing maghuhugas ng pinggan.
“Alam mo kapatid, ako’y naiinggit sa mga bata diyan na inuutusan pa ng kanilang mga magulang na maghugas ng pinggan pagkatapos kumain.” Pahayag ni Jhon Errol.
“Wag kayong tamarin. Wag kayong tamarin maghugas ng pinggan kasi ho, kung kakain na lang kayo tapos sila pa paghuhugasin n’yo di ba? Nakakaawa naman mga magulang nating ganon.” Dagdag pa niya sa kaniyang video.
Tunay nga na sana ay mas marami pang mga anak at mga kabataan ngayon ang mamulat sa katotohanang ito na madalas ay hindi na natin napapansin na maging tayo ay nakakasanayan na rin natin.
0 Comments