Hindi biro ang pinagdaraanan nating pandemya sa ngayon. Sa Pilipinas, noon pa man ay laganap na ang kahirapan.
Talamak din ang krimen at korapsyon kung kaya naman sa paglipas ng panahon ay para bang nakasanayan na lamang natin ang lahat. Ngunit para sa maraming mga magulang ngayon, napakahirap ding maghanap-buhay sa gitna ng pandemya lalo na para sa mga Pilipinong namumuhay lamang depende sa arawan nilang sweldo.
Kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng publiko ang nangyari sa lalaking ito na nakilala bilang si Melvin Dela Cruz. Siya ay 24 na taong gulang na.
Siya ay nakatira sa Tapuac, Dagupan City. Hindi niya mapigilang umiyak nang ibahagi niya ang kalunos-lunos na nangyari sa kaniya.
Ninakaw kasi sa may bintana ng kaniyang pinagtatrabahuhang tailor shop ang pera na dapat sana ay pambili ng gatas at gamot ng kaniyang anak na maysakit. Dagdag pa ng 24 na anyos na si Melvin, dalawang buwan niyang pinag-ipunan ang sweldo niyang Php6,000 na basta basta na lamang ninakaw ng walang pusong kawatan na nagpanggap pang kostumer!
Talaga namang napakahirap nang kalagayan niyang ito dahil sa kailangang-kailangan na talaga ng kaniyang anak ang gatas at gamot nito. Bagamat batid niyang wala na siyang mangagawa sa nangyaring ito, tinulungan naman siya ni Russel Simorio GMA at inilagay ang kaniyang numero kung sakaling may nais tumulong sa kaniya (Melvin Dela Cruz – 0910-079-5660).
Tunay ngang mahirap ang buhay ngayon at mas naging mahirap pa dahil sa pandemyang ating patuloy na nararanasan. Ngunit huwag sana nating kalimutan na marami ding mga tao ang nagsusumikap at sinusubukang makaraos sa araw-araw.
Sa halip na magnakaw ng hindi sa atin, mas masarap kumain kung ito ay galing mismo sa ating pinagpaguran na sweldo. Kung kaya naman sana ay wala nang magnakaw pa o manamantala sa mga taong hirap na sa buhay.
Mas mainam na maging mabuti na lamang tayo sa ating kapwa sa lahat ng pagkakataon.
0 Comments