Watch! Murå, Humingi na ng Tawad Kay Virgelyn: "Sana magkita ulit tayo, Mama Virgelyn"



Kamakailan lamang ay may kumakalat na isyu kaugnay kina Virgelyncare at Murå. Matatandaan na nag-viral noon ang vlog ni Virgelyn matapos niyang abutan ng tulong si Murå kahit na napakalayo ng lugar nito. Ngunit, sa isang facebook live ni Murå ay tila nakapag bitaw siya ng mga salitang nakasåkit at hindi nagustuhan ni Virgelyn.




"Kaya walang sisihan kung anuman ang ilalabas ko sa aking bibig mga ka-legit," ani ni Murå sa kanyang video.

"Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon," ang bahagi ng mga nasabi ni Murå sa kanyang live video na ikinagulat ng marami," dagdag pa nito.




Agad namang sumagot si Virgelyn sa naging pahayag sa kanya ni Murå. Nilinaw niya ang mga bagay at deretsahan niyang sinabi ang kanyang mga saloobin.

"Kumusta ka Mura? Sana 'yung pagtatanim mo ng mani at kung gaano mo pinausbong yung mga mani mo diyan sa bukirin, ganoon mo rin sana pausbungin ang pagtatanim ng utang na loob," panimula ni Virgelyn sa kanyang video.

"Hindi ko sinasabing pasalamatan mo ako, hindi ko rin hinihingi kaninoman na tinutulungan ko. Ang akin lang, kahit sa iba mo nalang gawin 'yun."




"Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa 'yun, nasabi. Siguro dahil live lang. Minsan kasi pag-live kasi tayo, lumilipad kasi yung isip natin," ani ni Virgelyn.

"Bago kita nai-vlog, marami na akong napa-viral na video. magmula doon sa anak-araw, kay Alexander, kay Jenny, kay Klara at yung nanay na gumagapang sa tubuhan... marami na akong napa-viral. Kung titingnan mo milyon-milyon react yun."

Sa sumunod na pahayag ni Virgelyn para kay Murå ay nagbigay din si Murå ng kanyang mensahe para kay Virgelyn. Humingi ito ng tawad sa kanyang mga salitang nabitawan at nagpasalamat sa mga tulong na ibinigay sa kanya ng vlogger.




"Mama Virgelyn, alam ko pong hindi kayo masyadong nasåktan sa aking mga sinabi, pero yung mga supporters niyo po may reaksyon po don, so pasensya na po," ani ni Murå.

"Na-miss ko na rin po kayo mama Virgelyn. Thank you sa tulong niyo sa akin dun sa aming lugar. Kahit napakalayo ng aming lugar, sinuyod niyo ang aking tahanan para iyon nga, matulungan niyo rin po ako."

"Maraming salamat at sorry... Sorry at nakapagsabi po ako ng ganun dahil sa aking saloobin. Sana maintindihan niyo po. Pasensya na po mga ka-legit, mga ka-Virgelyncare."


Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments