Tayong mga Pilipino, marami sa atin ang lumaking kasama ang ating mga magulang habang ang iba naman ay lumaki sa poder ng kanilang mga lolo at lola. Hindi na nakapagtataka na marami talaga sa atin ang malapit sa ating mga pamilya kung kaya naman kahit na sa panahon na mayroon na tayong sarili nating pamilya ay madalas kasama pa rin natin sila sa iisang bahay.
Isa marahil ito sa maraming dahilan kung kaya naman marami ang nagalit sa kumakalat na larawan na ito ng isang matandang babae na diumano ay inabandona na ng kaniyang pamilya. Makikita ang kalunos-lunos na sitwasyon ng matanda sa naturang larawan kung saan siya ay nakahiga na lamang sa isang luma at sirang billboard.
Walang unan, walang kumot, at manipis na damit lamang ang suot. Matataas din ang damo ng lugar at maaaring pinamumugaran na ito ng mga makamandag na hayop.
Malaki din ang posibilidad na tumaas ang tubig ito at malunod na lamang ang kawawang matanda ngunit agad naman siyang sinaklolohan ng isang ambulansiya at dinala siya sa ospital. Napakasakit at talagang hindi katanggap-tanggap ang pangyayaring ito sa Pilipinas man ito nangyari o sa ibang bansa.
Batid naman nating lahat ang paghihirap ng isang babae sa pagdadalang-tao, panganganak, pagpapalaki ng mga bata at pag-aalaga sa buong pamilya. Kung kaya naman ganoon na lamang ang ating pagmamahal at respeto sa ating mga magulang na babae.
Hindi mapapatawad sa batas ng tao ang krimen na ito na ginawa sa matandang babae ngunit higit pa rito ay hindi rin naman ito magiging katanggap-tanggap sa Diyos. Hindi man mahuli ang mga taong gumawa nito ay tiyak na pagbabayaran din nila ito sa takdang panahon.
Sa ngayon, isang matinding paalala ang iniwan sa atin ng insidenteng ito. Ano man ang nagawa ng ating mga magulang sa atin, hindi man natin ito gusto, nasaktan man tayo o ano pa man, huwag na huwag dapat nating kalimutan na sila ang gumabay at sumuporta sa atin noong mga panahong wala pa tayong kamuang-muang at wala pa tayong kakayanan sa buhay.
0 Comments