Araro Boy na naitampok sa KMJS noon, mayroon nang sariling bahay, sasakyan at sariling lupang sakahan!





Hindi na bago sa ating pandinig ang mga katagang mayroon tayong kaniya-kaniyang pamatok na ating dala-dala sa buhay. Nasa sa atin na lamang kung paano tayo kikilos o aaksyon sa mga pagsubok at hamon na ito ng buhay na nasa atin nang mga harapan.



Marahil ay marami pa rin sa atin ang nakakaalala kaya Reymark Mariano na minsan nang naitampok sa sikat na magazine show na Kapuso Mo, Jessica Sojo. Mayo 2021 ay umantig sa puso ng maraming mga Pilipino sa buong mundo ang kwentong ito ng batang si Reymark kung saan kinakailangan niyang magbanat ng buto sa murang edad para lamang mayroon silang mailaman sa kumakalam nilang mga sikmura.



Ang kaniyang ama ay nakakulong habang ang kaniyang ina naman ay mayroon nang bagong pamilya. Talaga namang napakahirap ng sitwasyon niyang ito ngunit talagang nananatili siyang matatag upang matupad niya ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

Dahil sa pambihirang determinasyon niya sa buhay ay maraming mga tao ang nagnais na siya ay matulungan. Marami ang nagbigay ng donasyon sa kaniya dahilan upang makapagbukas siya ng sarili niyang bank account kung saan niya inilalagak ang lahat ng donasyon para sa kaniya.


Mayroong isang mabuting Samaritano ang nagpapaaral sa kaniya ngayon na siyang nagpapadala rin ng kaniyang pangangailangan buwan-buwan. Maliban pa rito ay nakapagpagawa rin siya ng sarili niyang bahay, mayroon na rin silang van at pick-up truck.

Mayroon na rin silang pagmamay-ari na sakahan ng mais at plano rin nilang magbukas ng isang tindahan para sa kanilang mga kapitbahay. Talaga namang malaki na ang naging pagbabago ng kaniyang buhay dahil sa pagtutulungan ng mga taong may mabubuting puso.

Masayang masaya na ngayon si Reymark dahil hindi na raw siya nag-aararo at nabibili na niya ang kaniyang mga gusto. Laking pasasalamat din niya sa programa ng Kapuso Mo, Jessica Sojo dahil sa ito ang naging dahilan ng pagbabago ng kaniyang buhay.







Post a Comment

0 Comments