Isang ina, nakausap at nakitang muli ang kaniyang anak na pumanaw na sa pamamagitan ng Virtual Reality!





Marahil marami na rin sa atin ang nawalan ng mahal sa buhay. Ayaw man natin itong maranasan ngunit wala rin naman tayong magagawa kung ito ay nakatadhana nang mangyari.



Marami ang nagsasabing paglipas ng maraming taon ay makaka-move on din tayo at makakalimot. Ngunit para sa iilan, kailan man ay hindi matutumbasan ang sakit na ito at ang pangungulila na ating nararamdamanan sa kanilang paglisan.

Ang katotohanan ay nasasanay na lamang tayo na mamuhay sa mundong ito na tila ba parang may kulang, hindi na katulad ng dati. Ngunit sinisikap pa rin nating magpatuloy at magpakatatag sa buhay para sa iba pa nating mahal sa buhay na sa atin ay umaasa.




Bilang isa napakahirap mawalan ng isang anak, lalo na sa murang edad. Ito ang malungkot na karanasan ng inanga si Jang Ji-Sung mula sa South Korea. Taong 2016 noon nang pumanaw ang kaniyang anak na si Nayeon dahil sa isang malubhang karamdaman.

Wala ring lunas ang sakit na ito kung kaya naman ang pitong taong gulang na si Nayeon ay maagang kinuha sa kaniyang mga magulang. Talaga namang napakasakit at kailan man ay hindi matutumbasan ang paghihinagpis at pangungulila ng mga magulang ni Nayeon.

Kung kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa si Jang Ji-Sung nang magkaroon siya ng pagkakataon na makausap at masilayang muli ang kaniyang anak. Ito ay sa pamamagitan ng VR o Virtual Reality.

Nakasuot ng VR si Ji-Sung kung saan makikita niya ang kaniyang anak na si Nayeon. Tila ba nagkatotoo ang kaniyang mga panaginip na muling masilayan at makausap ang kaniyang anak.



“Maybe its a real paradise, I met Nayeon, who called me with a smile, for a very short time, but its a very happy time. I think Ive had the dream Ive always wanted.” Pahayag ni Jang Ji-Sung.

Bagamat hindi na nito maibabalik pa ang kaniyang anak na si Nayeon, kuntento at masayang masaya na rin siya dahil sa wakas ay muli niyang nakita ang kaniyang anak na matagal na niyang gustong makapiling na muli.





Post a Comment

0 Comments