Mag-asawa, naghahanap lamang ng paracetamol bigla na lamang nakita ang aso na matagal na nilang hinahanap!





Hindi na bago sa publiko ang balitang maraming mga Pilipino sa ngayon ang talagang nahihirapan maghanap ng mga gamot sa sipon, ubo, at maging sa lagnat. Bigla na lamang nagkagulatan at nagkabiglaan ang publiko nang isa-isang lumabas ang mga balitang wala nang mabibili na ganitong mga gamot sa maraming botika sa Maynila.



Sumunod naman ay wala na ring mabilhan ang mga taong naninirahan sa probinsiya. Nagdulot ito ng takot at pangamba sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga magulang na mayroong mga anak na nakakaramdam ng sakit.



Wala silang ibang mabilhan ng mga ganitong klaseng gamot. Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong at nagtataka kung paano at bakit nangyari ito.

Tila ba nauulit na naman ang pangyayari noong unang kumalat ang pandemya kung saan ang mga facemask, alc0hol, at sanitizer ay talagang nagkaubusan sa merkado. Nagkaroon din naman ng ilang mga supply ngunit mas naging mataas ang presyo nito kaysa sa orihinal.


Naging doble, triple at ang iba ay talagang mas mataas pa ang presyo. Sa kasagsagan ng balitang ito ay may isang magandang karanasana naman ang ibinahagi ng netizen na si Yolly Flores.

Ayon sa kaniyang post, naghahanap lamang daw sila ng tindahan o botika na mayroong tindang gamot ngunit ang natagpuan nila ay ang aso ng kanilang pinsan na halos 3 linggo na nilang hinahanap. Talaga namang marami ang nagalak sa naturang video dahil sa pambihirang galak at pananabik ng aso nang makita ang mag-asawa.

“Yung naghahanap lng kmi mag Asawa sana ng Mercury n may stock n Biogesic Pero yung 3weeks ng nawawalang Aso ng pinsan ng Asawa ko ang nakita namin,” Pahayag ni Yolly.



Tunay nga na sa gitna ng problema at alalahanin natin ay mayroon pa ring magandang pag-asa at liwanag tayo na maaaring masilayan. Kailangan lamang nating maging positibo at maging mas matatag pa sa buhay.





Post a Comment

0 Comments