Isang ama niregaluhan ng bike ang kaniyang anak para sa kaarawan nito gamit ang ipon niyang sampung pisong barya!





Marami ang natuwa at naantig sa kwentong ito ng isang ama na niregaluhan ng isang bagong bisikleta ang kaniyang anak para sa kaarawan ito. Ayon sa Facebook post ng Bisikleta Manila noong Oktubre 20, 2021 ay labis silang natuwa nang makita ang lalaking ito na dala-dala ang inipon niyang barya upang mabilhan ng regalo ang kaniyang anak.



“The whole team is so proud of you, Sir Manny Herrera of Bacoor, Cavite, for your hard work and determination in getting the bike of your dreams.” Pagbabahagi ng Bisikleta Manila.

Ang lalaking ito ay nakilala bilang si Manny Herrera na taga-Bacoor Cavite. Nagpasama siya sa kaniyang manugang upang makaluwas sila ng Maynila at doon ay makabili sila ng mura ngunit matibay na bisikleta para sa pangalawa niyang anak na nagdiwang ng kaarawan ito.






Pagbabahagi pa niya sa naging panayam sa kaniya noon ng Pep.ph, pagkakatay ng karne ang kaniyang trabaho noon ngunit nang magtayo ngnegosyo ang kaniyang asawa ay kinailangan nito ng makakatuwang kung kaya naman nagdesisyon na siyang mag-resign. Dahil sa tindahan nilang ito ay madalas napagkakamalan niyang limampiso ang sampung pisong buo ay nagdesisyon na siyang itabi na ito.



Magkahiwalay ang lagayan niya ng sampung pisong barya at limang pisong barya. Ang halaga ng barya na kaniyang naipon ay umabot din ng Php13,000.


Halos 1,300 piraso ng barya din ang kanilang binilang. Off-road daw sana ang nais ng kaniyang anak na bisikleta ngunit hindi na ito available kung kaya naman kinuha na nila ang pinakamagandang nakita nila na kalaunan ay nagustuhan rin naman ng kaniyang anak.

“Ang gusto sana ng anak ko, e, yung offroad bike. Nasa PHP32,000 ang presyo nun. Dala ko naman ang halagang iyan. Yung iba papel, yung PHP13,000 ang puro sampung-pisong barya.“ Pagbabahagi pa ni Tatay Manny.

Talaga namang walang pagsidlan ng kaligayahan ang anak ni Tatay Manny dahil sa regalong natanggap mula sa kaniyang mga magulang.





Post a Comment

0 Comments