Isang eco-friendly school sa Negros Oriental, kinilala sa ibang bansa at nanalo ng isang international award!





Nagbubunyi ang maraming mga Pilipino dahil sa pagkakapanalo ng Guba National High School (GNHS) ng isang international award sa “International Awards for Liveable Communities (LivCom Awards)”. Sila ay nag-uwi ng First Silver Prize para sa entry nila na eco-friendly projects sa Environmentally Sustainable Project category.



Sila ang nag-iisang paaralan na naging finalist sa naturang patimpalak. Naiuwi nila ang karangalan mula sa 160 na mga entries mula sa 30 mga bansa sa buong mundo.

December 6-8, 2021 isinigawa ang virtual finals. Ang naturang patimpalak ay isang prestihiyosong awards program at kinikilala ng United Nations Environment Program (UNEP) simula pa noong taong 2007.



Sa naging entry ng naturang paaralan ay ipinakita nila ang buhay ng isang tipikal na mag-aaral sa GNHS. Mayroon silang environmentally sustainable initiative sa kanilang “Baktas sa Paglaom (Walk of Hope),” ang kanilang official video entry.

Bumilib sa marami ang tipikal na sitwasyon ng isang estudyante kung saan kailangan pa niyang tumawid ng ilog at dumaan sa mabatong mga burol para lamang makapasok sa eskwela.


“Transition from traditional school set up to new normal set up [due to COVID-19 pand3mic] will also be witnessed in the video. Showcased in this short film as well are some of the environmental practices implemented in the school.” Pahayag ng paaralan sa kanilang FB page.

“Through the efforts of the teachers, learners, parents, and all stakeholders, Guba NHS became one of the recognized schools not just in the local but also in the region and the national.” Dagdag pa nila.



Abala rin ang buong paaralan sa pagpapaganda ng landscapes at iba pang bahagi ng kanilang eskwelahan gamit lamang ang mga recycled materials. Maging ang mga estudyante ay tinuturuan din nila na magkaroon ng kaalaman patungkol sa mga maaari nilang gawin upang masagip ang kapaligiran.

Mayroon ding partisipasyon ang bawat isa sa kanilang komunidad upang maisakatuparan ito.





Post a Comment

0 Comments