Marami sa ating mga Pilipino ang mulat na sa kahirapan kahit noon pa man. Hindi naman maipagkakaila na noon pa man ay talagang marami na sa atin ang talagang hikahos sa buhay.
Maraming mga magulang ang iginagapang ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa kabila ang kahirapan. Ngunit dumarating din sa pagkakataon na maging ang magulang ay nagkakaroon din ng problema tulad na lamang halimbawa kapag nasawi ang kaniyang asawa, tiyak na magiging napakahirap na pagsubok nito hindi lamang para sa kaniya kundi para na rin sa kaniyang buong pamilya. Ito ang naging karanasan ng nanay ni Joy Binuya.
Limang taon pa lamang siya noon nang masawi ang kaniyang ama dahil sa atake sa puso. Buntis pa noon ang kaniyang ina sa bunso nilang kapatid kung kaya naman talagang labis na hinagpis ang paghihirap ang kanilang naranasan.
Wala rin kasing naiwanan na pera ang kaniyang ama kung kaya naman kinailangang dumiskarte ng kaniyang ina upang makakain sila sa araw-araw. Sinubukan daw ng kaniyang ina ang gumawa ng basahan, mag-manikurista, maging mananahi, at ang mangalakal o mamasura pa lamang may maihain sila sa kanilang hapag-kainan sa araw-araw.
Madalas din daw sumama noon si Joy sa kaniyang ina upang mangalakal. Salat man sila sap era ay hindi ito naging hadlang upang mangarap si Joy na balang-araw ay makakaahon din sila sa buhay.
Madalas na walang baon si Joy at walang pambili ng libro kung kaya naman madalas ay nagsusulat na lamang siya sa papel para sa kaniyang mga aralin dahil maging pampa-xerox ay wala rin siya. Nang siya ay mag-hayskul ay nasubukan niyang maging isang saleslady sa isang mall kung saan siya ay nag-aaral at nagtatrabaho.
Tumutulong din siya sa kaniyang pamilya ng mga panahong iyon. Nakapagtapos siya ng kolehiyo dahil sa kaniyang pagsusumikap at nasubukan din niya ang mag-dropship ng mga beauty products.
Kalaunan ay naging matagumpay ang business niyang ito ay naging ganap na siyang supplier. Mas sinipagan pa niya hanggang sa napagawa na niya ang kanilang bahay. Dating kahoy at yero lamang ngunit ngayon ay konkreto na at may ikalawang palapag pa.
Talaga namang inspirasyon siya sa maraming mga kababaihan.
0 Comments